Video ng lasing na ipinarada ng kanyang tropa, halos 2 million views na

Video ng lasing na ipinarada ng kanyang tropa, halos 2 million views na

- Viral ang kakaibang trip ng magkakabarkadang ipinarada ang kanilang kaibigan

- Lasing na lasing na raw ito at walang kaalam-alam sa mga pangyayari

- Umabot na sa halos 2 million views ang video ilang araw lamang mula nang ito ay maibahagi

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tuwang-tuwa ang mga netizens sa trip ng magkakaibigan na ito na mula sa kanilang "bonding" na inuman session.

Binahagi ni Julius Espino Magsakay ang nakakaaliw na video kung saan buhat ng magtotropa ang kanilang kaibigan na nakatulog na sa sobrang kalasingan.

Nakuha pang kumanta ng magkakaibigan habang naglalakad pauwi ng bahay ng kanilang buhat na tropa kaya naman naging agaw eksena lalo sila sa kalsada.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Tila kilala naman sila ng mga kapitbahay na di nabahala sa kanilang ginawa.

Nang makarating sa bahay, kinantahan pa nila ang buhat nilang tropa ng "Aida March" o tugtog tuwing graduation kaya naman mas lalong naging katatawanan ang ginawa nilang ito sa kaibigang walang alam sa mga nangyayari.

Tuwang-tuwa ang mga netizens at ang karamihanay naka-relate sa ginawa na ito ng magkakaibigan.

Di raw kasi mawawala sa isang samahan ang tropang mabilis matumba kapag walwalan na talaga.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa makukulit ding komento ng mga netizens:

"Gandang samahan ng tropa sana all"
"Nagkaron tuloy kami ng ideo kung ano gagawin namin sa tropa naming 2 bottle lang tumba na!"
"Ang kulit! ano kaya sinabi nung kaibigan nilang noong magising"
"Brokenhearted siguro kaya nakarami ng inom, at least di siya iniwan ng tropa!"
"Walang iwanan kaya binuhat nila ang unang natumba!"

May halos 2 million views na ang nakakaaliw na video na ito.

Samantala, maging maingat pa rin sa inuman kahit pa mga kaibigan ang mga kasama. Maswerte lamang ang nasa video na bagaman at napag-tripan ay naiuwi naman ng maayos sa bahay.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Famous Filipino actor Dingdong Dantes speaks about how his and Marian's life has changed after the birth of their second child.

Dingdong Dantes: Having One Child VS Having Two | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel