Para walang away! Lalaki, pinakasalan ang dalawang babaeng pinag-aagawan siya

Para walang away! Lalaki, pinakasalan ang dalawang babaeng pinag-aagawan siya

- Isang lalaki ang nagawang pakasalan ang dalawang babaeng pinag-aagawan siya

- Ikinasal na siya sa isa ngunit inilalaban ng isa na siya raw ang pinangakuan nito ng kasal

- Upang walang gulo, pinakasalan niya ang dalawa at pumayag naman ang mga ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Parehong pinakasalan ng lalaking si Razul Tunbukong ang dalawang babaeng pinag-aagawan daw siya.

Ayon sa Rachfeed, matagal nang magkasintahan sina Razul at Jarah Mendoza.

Dahil dito, nagbalak nang magpakasal ang dalawa upang tuluyan nang magsama.

Ngunit nabago ang lahat nang biglang pumasok sa eksena si Thelma Guipal.

Ayon kay Thelma, siya raw ang pinangakuan ng kasal ni Razul.

Dahil sa matinding rebelasyong ito, ayaw na sanang pumayag ng mga magulang ni Jarah na magpakasal pa.

Dumagdag pa sa gulo nang di na rin pumayag ang mismong magulang ng groom dahil sa malaki na rin ang nagastos ng kanilang partido para sa paghahanda ng kasalan.

Para walang away! Lalaki, pinakasalan ang dalawang babaeng pinag-aagawan siya
source: Pinoy Trending videos
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dahil dito, nakaisip ng ibang solusyon ang bawat partido at ito ay ang pagpapakasal ng lalaki sa parehong babae.

Maari naman itong mangyari lalo pa at at sila naman ay Muslim.

Nagsama na rin sa iisang bubong ang tatlo ngunit isa sa mga babaeng asawa ni Razul ay nag-abroad at di pa muling bumabalik.

Duda ng ilan, marahil di nakayanan ng isa sa dalawang asawa ni Razul ang kakaibang relasyon nilang tatlo na bagaman at pinahihintulutan ng kanilang relihiyon, maaring di naman kinaya ng kanyang isip at puso.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

This Engineering Student-Athlete Of UST-ECE made history with his achievement! "Don't give up because of the people who question your capability. Don't give up because of the people who discourage you from reaching your dreams" – on KAMI HumanMeter YouTube channel

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica