Video ng di umano'y panggagamot sa buntis na may kakaibang 'sakit', halos 10 million views na

Video ng di umano'y panggagamot sa buntis na may kakaibang 'sakit', halos 10 million views na

- Mabilis na nag-viral ang video ng nagpakilalang manggagamot na si Arturo Solon na nakapagpagaling di umano ng buntis na nakulam

- Isang linggo nang di nakakalakad ang buntis kaya nagdesisyon na ang pamilya nito na 'ipagamot'

- Kitang-kita raw sa video kung paano bumuti ang pakiramdam ng buntis at muli itong nakalakad

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ang video ng pagpapagaling di umano ng isang kilalang manggagamot ng Cavite na si Arturo Solon.

Nalaman ng KAMI na isang buntis ang humingi na ng tulong kay Arturo dahil sa isang linggo na itong di nakakalakad at nakararamdam ng kakaibang sakit.

Sa video na binahagi ng Facebook page na Panginoong Jesus, kitang-kita kung paano kinakausap di umano ni Arturo ang nanggulo sa buntis sa katawan nito.

Napagsalita ito ni Arturo at napag-alaman na isang mambabarang ang kumulam sa kawawang nagdadalang-tao.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Matandang babae raw ito na bisaya at binayaran ng ₱10,000 upang kulamin ang buntis kaya naman hirap na hirap talaga ito.

Ang nakakakikilabot dito, nasabi pa ng nanggugulo sa babae na balak niya itong patayin pagkatapos manganak.

Pati raw ang sanggol sa sinapupunan nito ay apektado rin sa 'nilagay' nito sa ina.

Pilit na pinaalis ni Arturo ang kung anuman ang nagpapahirap sa buntis kaya naman makikitang nagpapaspas ito ng kanyang katawan habang umiiyak.

Matapos ang ilang minuto niya na pagpapagpag, Nakatayo na ang babae at nalakad na parang walang nangyari.

Maraming netizens ang namangha at halos di makapaniwala sa nangyari ngunit makikita naman daw sa video ang proseso kung paano gumaling ang hirap na buntis.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"God blessed po arturo solon sana madami pa nangangaylangan ng tulong mo ng dios amahan.maraming salamat po!!"
"Slamat po sir arturo jesus man solon.nailigtas nyo pp amg buhay ng magina slamat po papa jesus ginawa mo pong instrumento si sir arturo upang mapagaling angmmy mga karamdaman"
"Napaiyak ako nito Bontis sya .Salamat Panginuong Jesus may tao ka na pingkaluoban mo at magaling ng mga karamdaman"
"Kua arturO solon galing nyo po talaga basta kasama talaga ntin si lord wala tayong uurungan kahit ano pa yan...god blessed po kuya naway madami pa kayong matulungan..amen"
"Grabe in jesus name naiyak ako ng sobra at nailigtas mo mag ina"
"Sa mga nag ba bash jan kng wala kaung magawa tumahimik na lang kau. Ang daming natutulungan ng taong ito sinisira nyo pmunta kau sa naic cavite pra kau mismo maka saksi sa tunay na panggagamot ni bro. Arturo God Bless sau sna marami ka pang matulungan"

Halos nasa 10 million na ang views ng viral video na ito.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

We are trying to figure out if everyone understands Gen Z slang words. Spoiler alert: not everyone!

Tricky Questions: Guess Gen Z Slang Words Meaning | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel