Filipino Wit
Viral sa social media ang lumpiang shanghai na ginawang souvenir sa isang handaan. Madalas na gawing biro ang pagkahilig ng mga Pinoy sa lumpiang shanghai na nagkaroon pa nga ng iba't-ibang memes sa social media.
Nakakamangha ang ibinidang manananggal plush doll ng isang netizen. Bukod sa Pinoy na Pinoy ito ay nakakatulong pa ito sa mga taong kapos-palad. Ayon sa manufacturer, isa lang ito sa 12 plush dolls na disenyo.
Marami ang natawa sa ginawang pag-cheer ng isang dalaga sa kanyang nobyong basketball player. Ayon kasi sa Facebook post na nagviral ay "bangko" o iyong mga nakareserbang players ang nobyo ng dalaga.
Talagang pro-poor ang isang tindahan sa Meycauayan, Bulacan kung saan ang P5 mo ay makakabili na ng ulam at kanin. Ayon sa tindera na si lola Mel, para sa mga batang may maliit na baon ay malaking tulong na ito.
Umani ng paghanga at agad na nag-viral ang larawan ng isang lolo habang kinukuhanan ng video ang kanyang apo habang nagpe-perform ito. Ang mas lalong nagpa-agaw sa pansin dito ay ang gamit nitong cellphone na de-keypad.
May bagong gimik ang isang ginang na kumasa sa nausong ipon challenge. Ang naisip ng raketerang misis na ito, gamitin ang basyo ng isang alak. Laking tuwa niya nang sa wakas ay makita ang pinaghirapang maipon na katas ng pagod.
Laki sa hirap ang dating Rebecca Bustamante.Ngunit ang superwoman na ito ay hindi nagpatalo maging sa pagsubok at hamon ng buhay na kinagisnan.Kaya naman hindi na nakapagtataka na 1 siyang successful na negosyante ngayon.
Tila hindi lang sa online world nagkalat ang mga plangak na plangak at havey na havey na nakakaaliw na mga pangalan o memes dahil pati na rin pangalan ng mga tindahan ay tila nakikuso na din sa trend ngayon na mga memes.
Heto ang lima sa mga nakakawindang na mga videos na lumabas sa mga kababayan na nakakagigil na nakakatawa dahil sa mga reaksyon at komento ng ilan sa ating mga Pilipino. "Advance ako mag-isip," "Obvious ba," at iba pa.
Filipino Wit
Load more