Lalaking deadma sa "katabing" si Ivana Alawi sa jeep, viral sa socmed

Lalaking deadma sa "katabing" si Ivana Alawi sa jeep, viral sa socmed

- Nagviral sa social media ang larawan ni Ivana Alawi habang nakasakay sa jeep kasama ang kapatid nito

- Ngunit ang ilang netizens, may isa pa sa napansin sa viral photo

- Agaw-pansin kasi ang lalaking "katabi" nito na deadma sa hotness ni Ivana habang naglalaro ito ng mobile games

- Umani naman ito ng iba't ibang reaksyon mula sa mga netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kumalat sa social media ang larawan ni Ivana Alawi habang nakasakay sa isang pampublikong jeep kasama ang nakababatang kapatid nito.

Ngunit umagaw sa pansin ng maraming Pinoy netizens ang lalaking katabi ni Ivana.

Marami namang netizens ang nakapansin na edited ang viral photo na in-upload ng netizen na si Jerico Mabaet.

Dahil ang lalaki, tila deadma sa beauty at hotness ng sikat na vlogger.

Mukhang 'di ito nagpaapekto sa kagandahang nakatabi sa kanya at tuloy lang sa paglalaro ng mobile games sa kanyang cellphone.

Ngunit ganunpaman, patok pa rin ito sa social media at umabot sa libo-libong shares at reactions sa Facebook.

Ayon sa netizen na si Trisya De Guia: "Kahit wag na manalo, matitigan lang si Ivana."

"Yoko bababa ako agad baka matalo yung rank game eh," ayon naman sa netizen na si Norman Lorenz Pimentel.

"Basta pag rg pocuz Laro lang hahah," sabi naman ni John Victor Delos Santos.

"Panis yang Ivana nyo pag nawala star ni kuya! Rg is life," ani Catherine Milla.

"ivanna ka lang. rank game to HAHAHA," sabi pa ni Raymund Bausas.

"nangyari tlga yan sa tutong buhay lalo pg nag ra rank na," komento naman ng netizen na si Gerald M Landong.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa isa pang ulat ng KAMI, nabuking ng isang misis ang kanyang mister sa pagla-like nito sa mga social media photos ni Ivana Alawi.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel