10 Pasok sa banga na nakakaaliw na mga Filipino stores' names

10 Pasok sa banga na nakakaaliw na mga Filipino stores' names

Hindi na nakakagulat na malaman ang mga iba't ibang memes na kumakalat sa social media pages dahil na din likas na talaga sa mga Pinoy ang pagiging witty.

Pero tila hindi lang sa online world nagkalat ang mga plangak na plangak at havey na havey na nakakaaliw na mga pangalan o memes dahil pati na rin pangalan ng mga tindahan ay tila nakikuso na din sa trend ngayon.

Nagpalabas ng 21 na listahan ang Buzzooks na mga "Filipino stores with clever names" na una naming naispatan sa Definitely Filipino Facebook page, at hindi namin maiwasan na maaliw at matawa.

At dito sa KAMI naniniwala kami sa good vibes lang para happy ang life!

Kaya heto ang top 10 sa 21 na listahan na nakita namin na talaga namang agaw pansin ang pangalan ng kanilang mga tindahan.

1. Ang tindahan na gusto magspread ng positivity sa lahat - "Peace be with you" ay este " Fish be with you"

10 Pasok sa banga na nakakaaliw na mga Filipino stores' names

Credit: Buzzfeed/weirdasianews.com

Talaga namang mawiwili ka sa pagpasok at bibili sa tindahang ito at mapapa "and also with you. "

2. Ang laundry shop na pinagyayabang ang kanilang pagka summacum laude sa paglalaba

10 Pasok sa banga na nakakaaliw na mga Filipino stores' names

Credit: BuzzFeed/Mombisyosa

Gusto lang naman nila na malaman natin na sila ang Top 1 pagdating sa paglalaba.

At minsan minsan din, hindi masama ang magyabang, ay este magpalabada.

3. Ang Fish Ball cart na gustong i-like ng lahat!

10 Pasok sa banga na nakakaaliw na mga Filipino stores' names

Credit: BuzzFeed/Positively Filipino

Unang kita mo palang ay siguradong mapapa LIKE! ka sa cool at trendy na fish ball kart na ito!

4. Kung mayroong summacum laude sa paglalabada, eh, hindi na magpapapigil pa ang "Lord of the Rinse"

10 Pasok sa banga na nakakaaliw na mga Filipino stores' names

Credit: BuzzFeed/PositivelyFilipino-Hoton Elicano

Siguro mas hari sila sa pagbabanlaw at may pahabol na paala-ala po sila, hindi po sa movie theaters sila magbubukas kung hindi diyan po, ang kanilang tindahan.

5. Ang pandesalan ni Brad Pitt open na!

10 Pasok sa banga na nakakaaliw na mga Filipino stores' names

Credit: BuzzFeed/PositivelyFilipino

Ano kaya ang specialty nila? Pandesal ni Angelina? o "Pangelina Jolly?"

6. Bawal ang Pork Barrel sa pulitika pero pwedeng pwede sa kanila!

10 Pasok sa banga na nakakaaliw na mga Filipino stores' names

Credit: Insights/looloo

Hindi man paborito ang pork barrel sa senado at kongreso pero mukhang okay naman sa kanila.

7. Ang salon na nag-o-offer ng kagandahan sa mga customers pero baka mayroon silang cafe mocha o latte?

10 Pasok sa banga na nakakaaliw na mga Filipino stores' names

Credit: BuzzFeed/Instagram-@ramderige

Baka naman may espresso dyan?

8. Mapapa TRY ka talaga sa kanilang pinagmamalaki na shawarma

10 Pasok sa banga na nakakaaliw na mga Filipino stores' names

Credit: Facebook/Tri-Mo Shawarma Co. (Official Page)

Sa pangalan pa lang ng kanilang tindahan ay talagang gusto mong e try ang kanilang shawarma, at talaga namang nakaka-ingganyo ang pangalan nila.

9. Ang paboritong hangout place nina Sam, Pippin, Merry, at Frodo

10 Pasok sa banga na nakakaaliw na mga Filipino stores' names

Credit: BuzzFeed/Dateline Davao

Siguro ganun na lang kalaki ang kanilang lechon manok.

Baka makita din daw natin dito si Gandalf.

10. Ang barber shop ng mga taga Air Force One?!

10 Pasok sa banga na nakakaaliw na mga Filipino stores' names

Credit: BuzzFeed/PositivelyFilipino

Sinong lalaki ang hindi magpapagupit rito? Eh, baka nandyan din si Harrison Ford nagpapagupit o baka ang presidente ng Amerika.

Ano daw?!

Havey na nga namey talaga!

May humabol na, mapapa "Diyos ko Tay" ay este "Jusko Thai" dahil sa mahal siguro o sarap ng Thai food nila?

10 Pasok sa banga na nakakaaliw na mga Filipino stores' names

Credit: BuzzFeed/Insights.looloo.com

Here’s some brain exercise for you. Have you ever been in a situation when you can see two or more things in one image? Here’s a fun way of exercising your brain and sense of sight with our “What do you see?” social experiment. So, what do you see?

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
For the first time, Catriona Gray flaunts her national costume for Miss Universe 2018

For the first time, Catriona Gray flaunts her national costume for Miss Universe 2018

For the first time, Catriona Gray flaunts her national costume for Miss Universe 2018
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel