Dabarkads, nawindang sa isang mahiyaing contestant sa Eat Bulaga

Dabarkads, nawindang sa isang mahiyaing contestant sa Eat Bulaga

- Ikinagulat ng mga Dabarkads ng Eat Bulaga ang ipinakitang talent ng isang contestant sa isang segment ng show

- Ang contestant na si Chleo sa segment na "Bawal Judgemental" noong una ay hiyang-hiya pang sumagot sa mga tanong ng mga host ng noontime variety show

- Pero nang tumugtog na ang nakakaindak na musika ay napasayaw talaga ito ng bonggang-bongga

- Hindi lang mga host at audience ang naaliw dito kundi maging ang mga netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ikinagulat at ikinaaliw ng mga Dabarkads sa Eat Bulaga ang ipinamalas ng isang contestant sa isang segment nito na "Bawal Judgemental".

Ang contestant na si Chleo, noong una ay talagang hiyang-hiya pang sumagot sa mga katanungan ng mga host ng longest-running noontime variety show.

Pero nang tumugtog na ang nakakaindak na musika ay humataw at nagpakitang gilas ito na labis namang ikinagulat ng lahat.

Hindi raw kasi inaasahan ng host na hahataw sa sayawan si Chleo.

Maging ang mga batikang host at comedians na sila Vic Sotto at Joey De Leon ay napanganga rin sa "talent" ni Chleo.

Game na game pa nga itong nakipag-showdown sa host na si Allan K.

Pero hindi lang ang mga Dabarkads ang naaliw kay Chleo dahil maging sa mga netizens ay pumatok din ito.

"Ang galing galing mo ate sumayaw. And very touching and informative ang segment nyo ngaun. Congrats po and Thank you EB."
"Tangal pagud ka po ate. Thanks sa good vibes mo."
"Savage! Galiiing e. Hahahahaha."
"Hala ka ang galing ni ate napaiyak ako sa katatawa the best show eat bulaga."
"Ahahha.. Galing ni Ate lambot ng katawan napa nga2x si bossing."
"Gulat kayo ano haha."

Samantala, umani naman ng papuri ang Eat Bulaga dahil sa kanilang eye-opener na tema tungkol sa HIV awareness na tinalakay sa Bawal Judgemental noong December 7.

Dito, isa si Chleo sa mga naglakas-loob na lumantad sa publiko sa pamamagitan ng paglahok sa nasabing segment ng Eat Bulaga.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel