Dating tindera ng isda, ibinahagi ang tagumpay bilang presidente ng 1 kompanya
-Laki sa hirap at madalas na kapos sa buhay ang dating Rebecca Bustamante
-Ngunit ang superwoman na ito ay hindi nagpatalo maging sa pagsubok at hamon ng buhay na kinagisnan
-Kaya naman hindi na nakapagtataka na isa na siyang matagumpay na negosyante ngayon at nais niyang ibahagi ang istorya
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Lumaki at nagka-isip na mahirap si Rebecca Bustamante. Kwento nito, kung ano-ano ang kanyang itinitinda noon para makatulong sa kanyang magulang.
Naging tindera ng isda sa palengke, saleslady, helper at iba pang trabaho na kaya niyang gawin ay tinanggap niya.
“I was never ashamed to accept any job available to me because I had a goal to be rich, for myself and more importantly for my family,”
“I also worked as a helper for different families in our hometown. Like I said, I took on any job available,” ayon sa pahayag niya sa isang interview sa The Sunday Times Magazine.
Ayon dito, ang kanyang determinasyon ay upang matulungang maiangat ang kanyang pamilya sa kahirapan at prangkang sinabing gusto niyang yumaman.
Sa kabila ng kahirapang nararanasan, determinado si Rebecca na makatapos ng pag-aaral. Naniniwala siyang ang edukasyon ang susi sa magandang kinabukasan.
At kahit pa nga sinabi na ng ina na hindi nila kayang sustentuhan ang kanyang pag-aaral, pinili niyang ipagpatuloy ito at napadpad sa Mariveles, Bataan kung saan namasukang mananahi.
“I realized that the only way to succeed is to have a good education so I became a working student through and through, and enrolled at the Polytechnic University of the Philippines to pursue Accountancy,” anito.
Pinagsabay nito ang pagaaral sa gabi at trabaho sa umaga. Hanggang sa dumating ang pinakamalaking dagok sa kanyang buhay.
Pumanaw ang kanyang ina. 18-anyos lamang siya noon at bukod sa pagdadalamhati sa pagkawala ng ina ay naiwan sa kanya ang responsibilidad na alagaan ang kanyang mga kapatid dahil ng mga panahong iyon ay walang trabaho ang ama.
Kaya naman napilitan siyang huminto s pag-aaral.
“I promised my mother I would take care and help my younger siblings whatever it took, so I worked as a janitor at the Dasul Rural Bank for a year,”
Dahil sa kanyang diskarte at katatagan, nagawa niyang humingi ng tulong sa manager niya sa banko para makapag-apply sa Singapore.
1968 nang makalipad papuntang Singapore si Rebecca at doon namasukan bilang yaya sa isang Singaporean family.
Dahil nais niyang magtagal sa trabaho ay pinagbuti niya ito. At kahit pa mahirap ang kanyang trabaho at kalagayan sa dayuhang bayan, pinagsumikapan niyang magpatuloy sa pagaaral.
Nag-enroll siya sa isang open university doon at dahil isang araw kada buwan lamang ang kanyang day off, kapag pumapasok siya ay hinihingi na niya ang 1 buwang gawain sa school.
Nag-aaral siya kapag tulog na ang mga amo simula 11 ng gabi hanggang 1 ng madaling araw at magsisimula sa trabaho ganap na 5 ng umaga.
Ngunit hindi doon natapos ang kanyang pangarap at nagpursigeng makapagtrabaho sa Canada.
Kahit pa nga ayaw siyang payagan ng amo sa Singapore at nagawa niyang makapunta at makapagtrabaho bilang yaya muli sa Canada.
Habang nagta-trabaho doon, ay pumapasok siya sa isang eskwelahan kada Lunes at Miyerkules ng gabi.
Bukod doon, nagtitinda pa rin ng ilang produkto doon at lahat ng kanyang kinikita doon ay ipinapadala niya sa kanyang pamilya sa Pinas.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Habang ang kanyang sahod ay inipon niya para makapag-apply bilang Canadian citizen.
Sa wakas ay natapos niya ang kursong Accounting and Marketing sa Ryerson University in Ontario.
Bukod dito ay naging ganap na siyang Canadian citizen kung kaya naman nakapagtrabaho siya sa ilang kompanya doon kabilang na ang Mary Kay kung saan siya naging senior sales director.
Dahil sa mga natutunan at karanasan nagawa niyang makapagtayo ng sariling recruitment company insa Canada, ang High-Q Personnel.
31 taong gulang siya nang mapangasawa ang businessman na si Richard Mills at nagkaroon ng 2 anak dito.
At kahit pa matagumpay na ang kanyang karera sa Canada, ninais pa rin niyang makilala ang mga Pilipino sa buong mundo dahil naniniwala siya sa likas na galing ng kanyang lahi.
Kaya nang alukin siya ng Mary Kay Cosmetics na maglabas ng local counterpart nito sa Pilipinas ay agad niya itong tinanggap.
Mas maraming tagumpay pa ang kanyang natanggap nang makauwi sa Pinas katulad nang siya'y maging vice president ng Canadian Club of the Philippines.
Taong 2005 sumunod sa kanya ang asawa na si Richard na na-inlove na rin daw sa bansa.
Dito nagsimula ang Chalré Associates isang recruitment company.
“When I was working in Singapore, I used to hear a lot of negative things about Filipinos so I dreamt that someday I would do something to tell the world about the positive side of the Philippines and the Filipinos. This is where the inspiration of putting up Chalré Associates came from,” aniya.
Naniniwala si Rebecca na ang galing ng mga Pilipino ay maipagmamalaki at kayang makipagsabayan.
Payo niya, “Everyone can be a CEO,”
“Go ahead and dream but work for it. Because it doesn’t matter where you came from; the important thing is where you want to go.”
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Filipinos Street Quiz: Philippines tricky questions - can you answer these tricky questions? Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! These individuals from the Philippines have their answers – on KAMI HumanMeter YouTube channel!
Source: KAMI.com.gh