Kumasa sa ipon challenge? Bote ng alak ginawang alkansya ng 1 ginang
-May bagong gimik ang isang ginang na kumasa sa nausong ipon challenge
-Ang naisip ng raketerang misis na ito, gamitin ang basyo ng isang alak
-Laking tuwa niya nang sa wakas ay makita ang pinaghirapang maipon na katas ng kanyang pagod at hirap
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Isang ginang ang kumasa sa "the best" challenge, ang ipon challenge! Isang misis na raketera at may-bahay na madiskarte.
Ayon sa kanyan, madalas daw na sapat lamang ang kinikita nilang mag-asawa para sa buwang-buwang bayarin nila.
Kaya naman si misis kung ano-anong raket na ang ginawa para makatulong sa kanyang asawa.
Ngunit sa kabila ng kanyang kasipagan, hindi pa rin daw talaga sila maka-ipon. Mula kasi ng mag-resign siya sa dating trabaho at maging plain housewife, pagtitinda online na lang daw ang kanyang pinagkaabalahan.
Sa loob ng 5 taon, hindi sila nakapagtabi man lang.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Kaya naman nang makita online ang mga patok na ipon challenge nagkaroon ng ideya si misis. Pero imbes na bumili pa ng alkansya, basyo ng alak ang naisip niyang panimula.
Kwento niya, lahat ng sobra mula sa kanyang kinikita, inihuhulog niya sa kanyang "gintong bote".
Hanggang sa naisipan na niya itong basagin at laking tuwa nito nang makita ang lahat ng kanyang naipon na produkto ng kanyang hirap at pagod.
Anito, hindi sa halaga nasusukat ang kaligayahan niya kundi sa disiplinang kanyang natutunan mula rito.
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Filipinos Street Quiz: Philippines tricky questions - can you answer these tricky questions? Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! These individuals from the Philippines have their answers – on KAMI HumanMeter YouTube channel!
Source: KAMI.com.gh