Jessica Soho, biglang "sinubuan" ng 1 foreigner habang nagrereport

Jessica Soho, biglang "sinubuan" ng 1 foreigner habang nagrereport

- Hindi talaga inasahan ni Jessica Soho nang bigal na lamang siyang subuan ng dates habang nagrereport

- Bagamat nagulat, kinuha na lamang ng batikang mamamahayag ang isinusubong dates ng banyaga

- Mabilis na nagviral ang video clip mula sa programang Kapuso Mo Jessica Soho

- Umani rin ito ng sari-saring reaksyon mula sa mga netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Hindi talaga inaasahan ng sikat na broadcast journalist na si Jessica Soho nang bigla na lamang siyang subuan ng dates ng isang banyaga.

Sa isang video clip mula sa programa ni Soho na Kapuso Mo Jessica Soho na in-upload ng netizen na si Mel Bryan Escobido Solis, kita pa ang pangyayari.

"Paano patatahimikin yung tropa mong madaldal?" ayon sa Facebook caption ni Solis.

Kuha ito sa nakaraang episode ng KMJS kung saan "lumipad ang team" ng Kapuso program sa United Kingdom.

Bagamat nagulat ang mamamahayag ay kinuha na lamang nito ang isinusubo sa kanya.

Mabilis naman itong nagviral sa social media at umani ng sari-saring reaksyon mula sa mga netizens.

"ahahahha bastos. Tawang tawa ko."
"Hahaha shuta buti ka pa Mareng Jessica Marie sinubuan ka haha."
"Nakakatuwa si Ma'am Jessica, cool lang."
"isumbong mo yan ky Ed Caluag mam jessica."
"Hahaha. Sigurado ako hindi lang isang beses niyo pinanood. Paulit ulit ulit."
"eto yung Cnsabi ko sayo kagabi nung mgka chat tayo bgla sinubuan c Jessica."
"Ang cute mo naman Miss JS."
"Sana single c kuya..bagay..hahhaha."
"medyo naloka si Mareng Jessica."
"Jessica made my day."
"Iba tawa ko kung alam lang nung tindero kung gano karespetado si miss jessica.."
"sweet ni kuya sobra nakakakilig."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel