Elvi Vergara at mga saksi, pasado sa lie detector test; kanyang mga amo, bumagsak

Elvi Vergara at mga saksi, pasado sa lie detector test; kanyang mga amo, bumagsak

- Humarap na rin ang iba pang mga testigo sa pagdinig sa kaso ni Elvi Vergara

- Lahat ng mga testigong ito maging si Elvi ay pasado sa lie detector test na isinagawa sa kanila ng NBI

- Subalit ang mga amo ni Elvi na siya umanong nadidiin sa kaso ay bumagsak dahil na rin sa mga hindi tugmang salaysay nito

- Kasalukuyan na umanong nakadetene sa senado ang mag-asawang naging amo ni Elvi

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbigay na ng salaysay ang iba pang mga testigo sa pagdinig sa kaso ni Elvi Vergara laban sa kanyang mga among sina France at Pablo Ruiz.

Elvi Vergara at mga saksi, pasado sa lie detector test; kanyang mga amo, bumagsak
Si France Ruiz at Elvi Vergara kasama ang iba pang mga testigo sa kaso (24 Oras)
Source: Facebook

Halos pare-pareho at magkakaugnay ang mga salaysay ng saksi kung saan nakita umano ang pagmamaltrato kay Elvi ng mga amo.

Isa na rin dito ang noo'y ang anak din ng namasukan sa mag-asawang Ruiz na pinagtatrabaho sa kanilang tindahan lampas walong oras ngunit hindi pinasaasahod.

Read also

Ogie D sa security na humawi kina Pia at Ricky Lee: "Dapat talaga sini-seminar sila"

Maging ang mga garbage collector sa lugar ay naging testigo rin sa pagmamalupit ng mga amo kay Elvi na siya umanong dahilan ng pagkabulag nito.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Samantala, lahat ng naturang testigo ay pumasa polygraph test o tinatawag na lie detector test maging si Elvi na siyang naglalahad ng kanyang testimonya sa kung ano ang mga nagawa sa kanya ng kanyang mga amo.

Subalit ang mag-asawang Ruiz na tinuturo umanong salarin ng pag-abuso kay Elvi ay bumagsak sa lie detector test.

Sa ngayon, naka-detain ang mag-asawa sa senado sa kabila ng pag-apila nito na mayroon silang menor de edad na anak na wala umanong nag-iintindi.

Narito ang kabuuan ng ulat mula sa 24 Oras at GMA Integrated News:

Si Elvi Vergara ay naging usap-usapan sa social media matapos na isiwalat nito ang pagmamalupit umano sa kanya ng mga kanyang mga amo na sina France at Pablo Ruiz. Katunayan, mabulag umano siya sa dami ng pananamit at abusong tinamo niya sa kanyang mga amo.

Read also

Netflix actor Jelson Bay, labis ang pasasalamat sa tulong ni Vic Sotto sa kanya

Samantala, isa si Isabelle Daza sa mga hindi nagdalawang-isip na magpaabot ng tulong kay Elvi. Hindi niya inaasahan na sa halos isang iglap lang ay dumagsa ang tulong para kay Elvi. Labis ang pasasalamat ni Isabelle sa mga kaibigan na iba pang mga nagpaabot ng tulong kay Elvi.

Si Isabelle ay isa sa mga nagsabing nais niyang magpaabot ng tulog sa kay Elvi buhat nang malaman ang sinapit nito sa umano'y mga amo. Umabot sa halos Php800.000 ang nalikom na donasyon para kay Elvi.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica