Netflix actor Jelson Bay, labis ang pasasalamat sa tulong ni Vic Sotto sa kanya

Netflix actor Jelson Bay, labis ang pasasalamat sa tulong ni Vic Sotto sa kanya

- Inalala ng Netflix actor na si Jelson Bay kung paano siya natulungan ni Vic Sotto

- Minsan niya itong nakatrabaho sa "Daddy's Girl" sa GMA 7

- Sa panayam sa kanya ni Julius Babao, naikwento rin ni Jelson ang pinagdaanan bago siya natuluyang ma-stroke

- Sa ngayon, patuloy pa rin ang kanyang pagpapagaling at kumpiyansang makababalik muli sa pag-arte

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Labis ang pasasalamat ng komedyanteng si Jelson Bay sa mga taong tumulong sa kanyang pagpapagamot lalo na kay Vice Sotto.

Netflix actor Jelson Bay, labis ang pasasalamat sa tulong ni Vic Sotto sa kanya
Jelson Bay (Julius Babao Unplugged)
Source: Youtube

Sa panayam sa kanya ni Julius Babao, naikwento ni Jelson ang kanyang pinagdaanan sa pag-aartista bago siya na-stroke matapos na gawin ang Netflix movie na 'Finding Agnes' kung saan nakasama niya si Sue Ramirez.

Aniya, sa shooting pa lang ng pelikula ay may kakaibang pagod na siyang nararamdaman. Sinabihan naman siya ng produksyon na magpahinga muna subalit siya umano ang nagpumilit na tapusin ang trabaho gayung kaya pa naman daw niyang magtrabaho.

Read also

Dasal ni Zeinab: "Ayoko na nang papalit-palit, ito na 'yun Lord Allah"

Subalit nang makabalik sa bansa, doon na tuluyang nag-iba ang pakiramdam niya dahilan upang siya ay dalhin na sa pagamutan.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ito nga ang pagkakataong na-stroke siya at kinailangan pa noong operahan. Isa nga sa agad na tumulong sa kanya ay si Vic Sotto na personal pa siyang nadalaw noon kasama ang misis na si Pauleen Luna.

Kaya naman ganoon na lamang ang pasasalamat ni Jelson dahil malaking bahagi ng gastusin umano niya sa pagpapagamot ay mula kay Bossing Vic.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Julius Babao Unplugged YouTube channel:

Si Jelson Bay ay isang komedyante sa Pilipinas. Naging bahagi siya ng mga pelikula sa Netflix na Finding Agnes, Ang Pangarap kong jackpot, Love you to the stars and back at iba pa. Minsan din siyang nakasama sa Daddy's Girl ng GMA at ng FPJ Ang Probinsyano ng Kapamilya channel.

Read also

Pokwang, sinopla ang nagsabing nagsisi siya sa paglipat sa GMA

Samantala, isa sa mga pinakaaabangan linggo-linggo ay ang YouTube channel ni Julius Babao na Julius Babao Unplugged. Dito mapapanood ang mga panayam niya sa mga kilalang personalidad kung saan nakukumusta niya ito o nakapagbibigay ng update sa mga kaganapan sa kanilang buhay.

Isa na nga rito ang naging panayam niya kay Joey De Leon sa kasagsagan ng isyu ng umano'y paglisan ng Tito, Vic and Joey sa TAPE Inc. Ekslusibo niyang nakapanayam ito at nakakuha ng detalye sa mga kaganapan sa dating hosts ng Eat Bulaga bago pa man mabuo ang E.A.T. sa TV5.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel