Pokwang, sinopla ang nagsabing nagsisi siya sa paglipat sa GMA

Pokwang, sinopla ang nagsabing nagsisi siya sa paglipat sa GMA

- Sinagot ni Pokwang ang isang post na nagsasabing nagsisi daw siya sa paglipat niya sa GMA 7 dahil inakala daw nila na hindi na makakabangon ang ABS-CBN

- Ani Pokwang, masaya siya sa GMA at mataas pa din ang respeto niya sa ABS-CBN

- Dagdag pa niya, malaki ang pasasalamat niya na binuksan nila ang kanilang pinto para sa kanyang talento

- Bwelta niya sa aniya'y mapaggawa ng kwento, sa impyerno ang bagsak ng mga ito

Inalmahan ni Pokwang ang isang post sa X na nagsasabing nagsisi daw siya sa paglipat niya sa GMA 7 dahil inakala daw nila na hindi na makakabangon ang ABS-CBN. Aniya, malaki ang kanyang pasasalamat sa GMA at nirerespeto niya pa rin ang ABS-CBN.

Pokwang, sinopla ang nagsabing nagsisi siya sa paglipat sa GMA
Pokwang, sinopla ang nagsabing nagsisi siya sa paglipat sa GMA (@itspokwang27)
Source: Instagram

Aniya, nagpapasalamat siya sa GMA sa pagbukas nila ng kanilang pinto para sa kanyang talento.

Masaya po ako sa @gmanetwork at mataas din respeto ko sa @abscbn both network at ang @tv5 ay mga malaking pasasalamat kopo dahil binuksan nila ang kanilang mga pinto sa aking talento ❤️ #GratefulHeart sa mga mapag gawa ng kwento sa impierno bagsak nyo!

Read also

Alex Gonzaga sa kagaya nilang mag-asawang nag-aantay magkaanak: "Eto na malapit na"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Pokwang o Marietta Subong o sa totoong buhay ay kilala bilang isang komedyante, TV host at performer. Naging bahagi siya ng ilang palabas kagaya ng Wowowee, Pilipinas Win na Win at Happy Yipee Yehey kung saan siya ay isa sa mga naging host. Ipinanganak niya si Francine Malia O'Brian sa Antipolo City noong January 18, 2018. Siya ang naging bunga ng pagmamahalan nila ng Amerikanong si Lee O'Brian.

Matatandaang kinumpirma ng malapit na kaibigan ni Pokwang na si Ogie Diaz ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Lee. Matagal na niya umanong alam ang tungkol dito ngunit bilang respeto kay Pokwang ay hindi niya ito nababanggit sa kanyang Showbiz Update. Gayunpaman, dahil lumabas na rin ang balita ay minabuti niyang linawin ang balita para hindi na rin umano magsanga-sanga ang isyu. November pa noong nakaraang taon umano nagkahiwalay ang dalawa at kasalukuyang nakatira sa bukod na bahay si Lee.

Read also

Paolo Contis, okay makatrabaho ang It's Showtime hosts: "kaibigan ko naman sila"

Nag-post si Lee ng picture ng kanyang anak na si Malia O'Brian sa gitna ng paglabas ng balita tungkol sa paghihiwalay nila ni Pokwang. Tinawag niyang angel ang kanyang anak na si Malia na kanyang pinasalamatan sa umano'y pagpapangiti nito sa kanya. Sa kabila ng kanilang paghihiwalay ay tuloy na nagbabahagi si Lee ng mga pictures nilang mag-ama na tumutugma sa pahayag ni Pokwang na nakakapunta si Lee sa kanila upang makasama ang anak. Nauna na ring nilinaw ni Pokwang na walang third party na sangkot sa kanilang desisyon na maghiwalay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel