Paolo Contis, okay makatrabaho ang It's Showtime hosts: "kaibigan ko naman sila"

Paolo Contis, okay makatrabaho ang It's Showtime hosts: "kaibigan ko naman sila"

- Wala raw problema kay Paolo Contis sakaling makatrabaho niya ang mga 'It's Showtime' hosts

- Ito ay matapos na kumpirmahin ng GMA sa pamamagitan ng contract signing ang pagpapalabas ng programang ito

- Aniya malapit umano siya sa karamihan sa mga hosts ng nasabing programa

- Ilan sa mga ito ay sina Ogie Alcasid, Vice Ganda, at masasabing pinakamalapit siya kay Vhong Navarro

Handa umano si Paolo Contis sakaling mabigyan ng pagkakataong maging bahagi siya ng noontime show na It's Showtime.

Paolo Contis, Okay makatrabaho ang It's Showtime hosts: "kaibigan ko naman sila"
Paolo Contis (@paolo_contis)
Source: Instagram

Ito ay dahil nasa GMA na ang nasabing programa simula April 6.

Ayon kay Paolo, kaibigan naman niya umano ang karamihan sa mga hosts ng nasabing programa.

"Oo. Work is work. And I'm very happy na meron silang lugar. Lahat. Kaibigan ko naman sila e. Kaibigan ko karamihan sa kanila e, si Ogie, si Vice, I'm very close to Vhong. So lahat naman yan very open tayo."

Read also

Ogie D, sa ina ng panganay ni Baron: "Sino naman tayo para banggitin dito?"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa GMA News YouTube:

Si Paolo Contis ay isang aktor at TV host sa Pilipinas. Nagsimula siya bilang isang child star at hanggang ngayon at aktibo pa rin sa showbiz. Katunayan, isa si Paolo sa napiling maging host ng Eat Bulaga matapos na umano'y lisanin nina Tito, Vic at Joey ang TAPE Inc. noong Mayo 31 ng nakaraang taon.

Naging kontrobersyal ang pahayag noon ni Paolo kung saan nasabi niyang nasasaktan umano sila tuwing masasabihan ng Fake Bulaga matapos na pumalit sa Tito, Vic and Joey bilang host ng programa.

Nang tuluyan nang maipanalo ng TVJ ang titulong Eat Bulaga na siyang ginagamit na muli nila sa kanilang noontime show, pinalitan naman ng 'Tahanang Pinakamasaya' ang programa sa pananghalian na pinangungunahan nina Paolo Contis at Isko Moreno bilang mga hosts. Kalaunan, tinapos na rin ang naturang programa. Hindi nagtagal, nag-contract signing naman ang ABS-CBN at GMA na umano'y nagsanib pwersa sa pagpapalabas ng It's Showtime. Naging emosyonal ang naturang contract signing lalo na nang magbigay mensahe si Vice Ganda. Pinasalamatan niya ang mga heads ng GMA sa pagpili sa kanila at pagbibigay ng tiwala sa noontime slot na dating nasa Eat Bulaga.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel