Vice Ganda sa kanilang mga boss sa GMA: "Salamat sa pagpili niyo sa amin"

Vice Ganda sa kanilang mga boss sa GMA: "Salamat sa pagpili niyo sa amin"

- Makabuluhan ang naging mensahe ni Vice Ganda sa contract signing sa pagitan ng GMA at ABS-CBN

- Ito ay kaugnay sa programang 'It's Showtime' na mapapanood na sa GMA

- Dahil dito, labis-labis ang pasasalamat ni Vice sa kanilang mga boss sa GMA sa pagpili umano sa kanilang programa

- Nilarawan din ni Vice ang kanyang mga GMA boss na mababait at maayos kausap

Labis-labis ang pasasalamat ni Vice Ganda sa mga boss nila sa GMA na pumili umano sa It's Showtime na maging bahagi ng kanilang istasyon.

Vice Ganda sa kanilang mga boss sa GMA: "Salamat sa pagpili niyo sa amin"
Vice Ganda kasama ang mga boss sa ABS-CBN at GMA (It's Showtime)
Source: Facebook

Sa naganap na contract signing sa pagitan ng GMA at ABS-CBN para sa programang It's Showtime, isang makabuluhang mensahe pasasalamat at papuri ang naibigay ni Vice Ganda.

"Ang bait-bait niyo po sa amin. Ang laki ng tulong at suportang binibigay niyo sa amin. We have been humbly expressing that."

Read also

Ogie D sa merging ng ABS-CBN at GMA para sa It’s Showtime: "Talagang pinaghandaan!"

"Inialay niyo ang mga kamay niyo sa amin para unti-unti kaming makabangon. Maraming-maraming salamat. Hinding-hindi po namin 'yan makakalimutan"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Dahil dito, madalas nila umanong mapag-usapang mga Kapamilya kung gaano kabuti ang mga taga GMA sa kanila sa kabila ng mga nangyari sa ABS-CBN, ilang taon na rin ang nakalipas.

"Lagi po naming napag-uusapan at hindi nawawala 'yung laging nabibitawan na In fairness, ang babait ng mga taga GMA. Lagi, lagi naming nababanggit 'yun"

Umantig din umano sa puso ng marami ang pagpapatuloy ng pasasalamat ni Vice nang banggitin niya ang tungkol sa pagpili sa kanila ng GMA.

"Napakarami niyong pwedeng piliin. Pero sa dulo, pinili niyo kami. Maraming maraming salamat."
"At ngayon po na pinili niyo kami, halika na. Magsanib pwersa na tayo para mapanalunan at mapagtagumpayan ang mas malalaking hamon."

Read also

It's Showtime, nakapagtala ng 159 na ads sa April 6 episode nito

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag:

Ang It's Showtime ay isang noontime show ng ABS-CBN. Sinimulan itong ipalabas noong 24 Oktubre 2009. Sa kasalukuyan, napapanood din ito sa buong mundo sa pamamagitan ng The Filipino Channel at iba pang platforms kagaya ng A2Z at YouTube. Ang programang ito ay ang pinakamatagal variety show ng ABS-CBN.

Kamakailan, naibahagi rin ng Pilipino Star Ngayon na matunog na napapabalita na ang It's Showtime siyang papalit sa Tahanang Pinakamasaya ng GMA.

At kumpirmado nga ito matapos na maganap ang contract signing sa pagitan ng GMA at ABS-CBN kaugnay sa pagsasanib pwersa nila para sa programang It's Showtime. Dahil dito, mapapanood ang nasabing programa sa GMA simula April 6.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel