Ogie D sa security na humawi kina Pia at Ricky Lee: "Dapat talaga sini-seminar sila"

Ogie D sa security na humawi kina Pia at Ricky Lee: "Dapat talaga sini-seminar sila"

- Nagbigay opinyon si Ogie Diaz sa security na humawi kay Pia Wurtzbach at national artist na si Ricky Lee

- Umani rin kasi umano ito ng kabi-kabilang komento mula sa netizens na nakakita ng video.

- Marami ang nagsasabing hindi dapat umano ito ginawa ng marshall lalo na at si Pia mismo ang nakipagkamay kay Ricky Lee

- Matatandaang maging si Ricky ay naglabas din ng saloobin niya sa insidente na hindi niya umano agad napansin hanggang sa napanood niya ang video

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbigay komento rin si Ogie Diaz at mga kasama sa YouTube channel na Ogie Diaz Showbiz Update tungkol sa insidente ng paghawi umano ng security kina Pia Wurtzbach at National artist na for Film and Broadcast na si Ricky Lee.

Ogie D sa security na humawi kina Pia at Ricky Lee: "Dapat talaga sini-seminar sila"
Pia Wurtzbach FB
Source: Facebook

Naganap umano ito sa Manila International Book Fair 2023 sa SMX Convention Center sa Pasay City. Parehong naroon ang Miss Universe 2015 at ang nasabing national artist gayung pareho silang may mga librong naisulat na mabibili sa naturang book fair.

Read also

Cristy Fermin kay Liza Soberano: “Mas matindi ang intrigahan at mga komento sa mga Koreano"

Subalit ang mas napag-usapan sa naturang event ay ang biglaang paghawi ng isa sa mga security escorts ni Pia kahit siya pa mismo ang umabot at nakipagkamay kay Ricky Lee.

Kabi-kabilang komento at batikos ang inabot ng naturang insidente. Maging si Ogie ay nagbigay din ng kanyang saloobin.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Dapat talaga sini-seminar sila. Na, hindi sa lahat ng pagkakataon kailangan mong humawi ng mga tao. Lalo na't hindi naman nagkakagulo. Saka ka lang pupunta dun sa eksena kapag sinabunutan si ano, kumbaga nalusutan yung guwardiya, lumusot yung tao dun sa guard," ani Ogie.

Naibahagi rin niya na agad na nag-reach out si Pia kay Ricky matapos ang insidente kaya naman magsilbing aral sa umano sa bawat isa ang nasabing pangyayari.

"Itong eksenang ito, dapat magsilbing lesson ito sa mga security personnel na kung sino yung head ng security personnel, dapat tatanungin din niya yung event organizer o yung manager ng artista paano po bang pambabakod ang gagawin namin dito para alam namin yung trabaho namin. Pero baka ho may mga lumapit o ganyan kakilala pala... Kaya lang yung iba, nagrereflect yun sa artista."

Read also

Ogie D sa pag-call out ni Liza isang news site: "Ang problema lang sa article walang resibo"

Narito ang kabuuan ng komento ni Ogie:

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad.

Minsan na rin nabigyan ng komento ni Ogie Diaz ang viral video ni GMA actor na si Luis Hontiveros kung saan kinanta niya ang 'Jopay' sa isang pageant sa Pagadian City. Nag-iwan din ng payo si Ogie kay Luis at sa iba pang mga talents na tumatanggap ng out of town shows bilang kanilang mga raket.

Gayundin ang viral video ni Kathryn Bernardo na may hawak umanong e-cigarette. Ayon kay Ogie, sakaling totoo mang gumagamit nito ang aktres, nasa wastong edad na ito at hindi na dapat i-big deal pa umano ang mga ganitong klaseng usapin.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel