Ogie D sa viral version ng 'Jopay' ni Luis Hontiveros: "Dapat pinaghahandaan"

Ogie D sa viral version ng 'Jopay' ni Luis Hontiveros: "Dapat pinaghahandaan"

- Nagbigay komento si Ogie Diaz sa nag-viral na video ni Luis Hontiveros na kumakanta ng 'Jopay'

- Kuha umano ito sa isang pageant sa Pagadian kung saan pinakakanta halos niya ang audience

- Pinayuhan ni Ogie na sana'y paghandaan ng mga talents ang kanilang gagawin sa mga raket

- Ito ay para makaulit o maimbitahan din sa ibang lugar o ibang okasyon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbigay komento si Ogie Diaz sa viral video ng GMA actor na si Luis Hontiveros kung saan kinanta niya ang 'Jopay' sa isang pageant sa Pagadian City.

Ogie D sa viral version ng 'Jopay' ni Luis Hontiveros: "Dapat pinaghahandaan"
Photo: Ogie Diaz
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na sa umpisa pa lang ng kanta, nahuli na ng pasok si Luis at halos hindi masabayan ang tugtog.

Mapapansin ding nag-ikot na lamang siya sa stage at pinakakanta madalas ang audience.

Read also

Ogie D kay Baron: "Patunayan niya na siya ay totoong nagbago na"

Dahil dito, umani ng hindi kagandahang komento ang video at nakapagbigay din umano ng ibang impresyon sa tao.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kaya naman nag-iwan din ng payo si Ogie kay Luis at sa iba pang mga talents na tumatanggap ng out of town shows bilang kanilang mga raket.

"Next time ha. 'Yung mga performers na tumatanggap ng out of town shows. Alam niyo, raket 'yan. Masakit na nga ngayon sa tenga 'pag sinabi mong raket e. Pero dapat pinaghahandaan din 'yun para makaulit."
"Kasi may mga bisita ng mayor ng ibang bayan, malay niyo ay, gusto ko to. Kukunin ko 'to next time. 'Di yung ganyan na takbo ka ng takbo tapos papakanta mo pala sa audience 'yun."

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag mula sa Ogie Diaz Showbiz Update channel:

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad.

Read also

Alden Richards, umano'y naloko ng daang milyong piso sa mga pinasok noong negosyo

Kamakailan, naging usap-usapan ang panayam niya sa dating shild star na si Xyriel Manabat. Doon nasagot ni Xyriel ang mga kontrobersyang hinarap niya sa kanyang pagbabalik showbiz sa wastong edad na.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel