Ogie D kay Baron: "Patunayan niya na siya ay totoong nagbago na"

Ogie D kay Baron: "Patunayan niya na siya ay totoong nagbago na"

- Nagbigay pahayag si Ogie Diaz kaugnay sa naging una nilang naibalita ukol kay Baron Geisler

- Maugong umano sa set ng seryeng kinabibilangan nito na tila muling bumabalik umano ang aktor sa pag-iinom

- Sinupla ito ni Baron sa pamamagitan ng pagpapakita ng ebidensyang patungo umano siya sa taping ng serye

- Gayunpaman, nasabi ni Ogie na challenge umano kay Baron ang isyung ito at sana'y patunayan pa lalo ng aktor na walang katotohanan na matatanggal umano ito sa serye

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbigay ng kanyang pahayag si Ogie Diaz kaugnay sa naibahagi nilang balitang tungkol kay Baron Geisler.

Ogie D kay Baron: "Wala lang sanang makarating sa akin na 'yung mga bata iniiwasan siya"
Baron Geisler (Baron Geisler/ The ABS-CBN Ball 2023)
Source: Facebook

Ito umano ay may kaugnayan sa inaasal nito sa serye nilang 'Senior High' at ayon sa kanyang source, may posibilidad ang aktor na matanggal dito.

"Syempre Loi marami rin akong kaibigan diyan sa production staff ng Senior High. Kahit lahat 'yan ituro mo,"

Read also

Cristy, sa pabalik-balik na isyung hiwalay na ang Kathniel: "Palagay ko sila pa rin"

"Wala lang sanang makarating sa akin na 'yung mga bata ay iniiwasan siya. Kapag alam nila na si Baron ay hindi naman tubig ang iniinom," ani Ogie.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matatandaang naglabas umano kamakailan ng animo'y ebidensya si Baron na siya ay patungo sa kanilang taping patunay na tuloy pa rin ang kanyang pagganap sa nasabing serye.

"'Yan ang pinaninindigan ko at pinaninindigan din ng aking source na nagbabalak silang tanggalin si Baron Geisler. Kasi nga, e di ba nga, umiinom pa rin daw sa set. 'Yun ang issue. Tayo naman, sinasabi natin dito, sana hindi totoo. Sana 'yun ay tikim tikim lang. Kaya lang kahit tikim ng alak hindi talaga pwede sa set," giit ni Ogie.

"Personally natutuwa ako. Dahil may post si Baron na siya ay papunta sa set ng Senior High taping. At meron pang eksena doon, na sila ni Elijah... Ako ay natutuwa dahil ibig sabihin, tuloy-tuloy ang kanyang trabaho."

Read also

Ogie D sa viral serenade ni Carlo Aquino sa Miss Bacolod: "Marunong kumanta si Carlo ah"

Gayunpaman, magsilbing hamon daw ito kay Baron upang patuloy na patunayang hindi siya bumalik sa dati niya umanong bisyo.

"Challenge 'to kay Baron Geisler. na patunayan niya na siya ay totoong nagbago na. Dahil ito pag natapos ito, dahil ang alam ko ang Senior High ay hanggang week 10. 'Pag pinatunayan niya na tuloy-tuloy na ang kanyang pagbabago e di sorry, mali ako, mali 'yung source ko."

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Ogie mula sa Ogie Diaz Showbiz Update channel:

Si Baron Geisler ay isa sa mga maituturing na mahuhusay na aktor sa Pilipinas. Matatandaang, naging bahagi siya ng kontrobersyal na pelikulang 'Tililing' na tumatalakay sa mental illness ng mga tao na karamihan ay dinadanas dahil sa pandemya.

Isa rin sa patunay ng kahusayan niya sa pag-arte ay ang mga papuring natanggap niya sa pagganap sa pelikulang Dollhouse. Marami ang napabilib kay Baron at kumbinsido sa husay niya sa kanyang larangan kaya naman ganoon na lamang din ang kanyang pasasalamat sa mga tao.

Read also

Cristy, naikwento ang nagawa umano ni Baron nang makasama noon si Jobert Sucaldito

Matatandaang naging kontrobersyal si Baron kamakailan sa pag-aakala ng marami na nakainom itong nagtungo sa media con ng Senior High. Inalam ni Ogie Diaz kung may katotohanan umano ang alegasyong ito lalo na at minsang napabalita noon ang tungkol sa alcohol addiction ng aktor.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel