Ogie D sa viral serenade ni Carlo Aquino sa Miss Bacolod: "Marunong kumanta si Carlo ah"

Ogie D sa viral serenade ni Carlo Aquino sa Miss Bacolod: "Marunong kumanta si Carlo ah"

- Ipinagtanggol umano ni Ogie Diaz si Carlo Aquino sa viral serenade nito sa Miss Bacolod kamakailan

- Ito ay dahil inulan ng kabi-kabilang bashing si Carlo sa pinili nitong awitin sa nasabing pageant

- Ipinaliwanag ni Ogie D ang paraan ng pagkanta ni Carlo na hindi lamang umano nito napagtagumapayan

- Gayunpaman, sinabi naman niyang marunong kumanta si Carlo noon pa man

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

To the rescue si Ogie Diaz kay Carlo Aquino na nag-viral kamakailan dahil sa pagharana sa mga kandidata ng Miss Bacolod kamakailan.

Ogie D sa viral serenade ni Carlo Aquino sa Miss Bacolod: "Marunong kumanta si Carlo ah"
Carlo Aquino (Star Magic)
Source: Facebook

Kabi-kabilang pambabatikos ang tinamo ni Carlo dahil tila hindi raw maayos ang pagkakakanta nito ng awiting Paraluman ng singer na si Adie.

"Libo-libo ang kanta sa videoke, pinili mo pa yung hindi mo kaya," ang isang caption ng post kung saan naibahagi ang pag-serenade ni Carlo sa nasabing pageant.

Read also

Ricci Rivero, pinagtanggol si Leren sa basher: "Prove mo na nang agaw siya"

"'Yung himig nun nagpa-falsetto. Siguro, para sa kanya, hindi na-achieve ni Carlo successfully yung falsetto. Pero marunong kumanta si Carlo ah," paliwanag ni Ogie Diaz na sinabing marunong kumanta si Carlo at may ilang pagkakataong ipinakita rin nitong marunong siya sa musical intruments.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Tila naihanay din si Carlo sa ilang mga male celebrities na naimbitahang mag-serenade sa pageant subalit agaw eksena ang naging performances ng mga ito na mabilis na nag-viral.

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Ogie mula sa kanyang Showbiz Update channel:

Si Carlo Aquino o Carlo Jose Liwanag Aquino sa totoong buhay unang nakilala bilang isang child star. Nakitaan siya ng husay sa pag-arte sa murang edad at nakatanggap ng ilang acting awards. Lalo na ang naging kanyang famous lines sa pelikulang “Bata, Bata... Paano ka Ginawa?” kung saan nakasama niya ang Star for All Seasons na si Vilma Santos.

Read also

Andrea Brillantes, napuri ni Vicki Belo: "Good girl ito ngayon right?"

Samantala, tulad ni Carlo unang naging agaw eksena umano ang performance ng Kapuso actor na si Luis Hontiveros sa isang pageant sa Pagadian City. Ayon sa netizens, halos hindi na raw ito nakakanta at sana'y pinaghandaan ang kanyang gagawin sa entablado.

Pinayuhan din siya ni Ogie Diaz na magsilbing aral ito sa mga susunod na performances maging sa ibang mga celebrities na umano'y tatanggap ng raket. Para umano makaulit, nararapat lang na ito ay paghandaan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel