Andrea Brillantes, napuri ni Vicki Belo: "Good girl ito ngayon right?"

Andrea Brillantes, napuri ni Vicki Belo: "Good girl ito ngayon right?"

- Napuri ni Doctora Vicki Belo si Andrea Brillantes sa pagiging independent umano nito

- Sa bagong vlog ng celebrity doctor, ibinahagi niya ang kanyang Milan trip kasama si Andrea at maging si Liza Soberano

- Naalala pa nito ang pagkakataong nagpunta umanong mag-isa sa Spain si Andrea

- Matatandaang masaya ring umattend ng Star Magic Ball si Andrea na sa kauna-unahang pagkakataon, nagtungo siya na wala umanong lalaking kasama

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Napuri ni Vicki Belo ang young actress na si Andrea Brillantes dahil sa pagiging independent umano nito.

Andrea Brillantes, napuri ni Vicki Belo: "Good girl ito ngayon right?"
Andrea Brillantes (@blythe)
Source: Instagram

Nakasama ng celebrity doctor si Andrea at maging si Liza Soberano nang magtungo ito sa Milan, Italy kamakailan.

Nang ibinabahagi nila ang kanilang nakakalula umanong itinerary, nabanggit ni Dra. Vicki kung paano umano dalhin ni Andrea ang sarili kahit pa raw iwan niya ito.

Read also

Ogie D sa viral serenade ni Carlo Aquino sa Miss Bacolod: "Marunong kumanta si Carlo ah"

"This girl is very independent... 'Di ba nag-Spain ka mag-isa, baka may na-meet ka dun? Good girl ito ngayon right?" ayon kay Dra. Vicki na agad namang sinagot ni Andrea na good girl naman umano siya parati.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Gayunpaman, tila may kaunting hugot ang doktora pag nai-in love umano si Andrea.

"Ano lang, 'pag in love nalilito-lito na siya. I don't know, she's very mature, She's very spontaneous. and not thinking sometimes," natatawang nasabi nito.

Narito ang kabuuan ng kanilang Milan trip mula sa Dr. Vicki Belo YouTube channel:

Si Andrea Brillantes ay isang Filipina actress na unang nakilala bilang isang child star at patuloy ang pag-usbong ng career hanggang ngayon. Mas lalo siyang nakilala at napatunayan ang husay sa pag-arte nang gampanan niya ang karakter ni 'Marga' sa sumikat na afternoon teleserye ang “Kadenang Ginto.”

Read also

Ricci Rivero kay Bea Borres: "Sayang pakikialam mo kung di ka kasama sa headline"

Noong Hunyo, gumulantang sa publiko ang hiwalayan nina Andrea at ang dati nitong karelasyon na basketball player na si Ricci Rivero. Matatandaang naging agaw-eksena pa ang pagtatapat ni Ricci noon kay Andrea na kanyang isinagawa matapos itong manood ng kanyang game.

Kamakailan naman ay gumawa ng ingay ang komento ni Andrea na nais umano niyang maka-date ang anak ni Ina Raymundo na si Jakob Poturnak. Umani ng kabi-kabilang reaksyon ang komento niyang ito kaya naman nasabi ni Andrea ang mga katagang "is my love life or taste in boys really that relevant to this world, Full of problems na nga?"

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel