Ricci Rivero kay Bea Borres: "Sayang pakikialam mo kung di ka kasama sa headline"

Ricci Rivero kay Bea Borres: "Sayang pakikialam mo kung di ka kasama sa headline"

- Sinagot ni Ricci Rivero ang post ng kaibigan ni Andrea Brillantes na si Bea Borres

- Sa tweet ni Bea, sinabi nito na maging sa hard launch ay puro daw nagmamalinis

- Hinamon niya ito kung gusto daw ba niyang maglabasan sila ng labada

- Sinagot niya rin ang isang netizen na pumuna sa pagpatol daw niya sa babae

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Inalmahan ni Ricci Rivero ang tweet ng kaibigan ni Andrea Brillantes na si Bea Borres. Hinamon niya ito kung gusto daw ba ni Bea na maglabasan sila ng labada.

Ricci Rivero kay Bea Borres: "Sayang pakikialam mo kung di ka kasama sa headline"
Ricci Rivero kay Bea Borres: "Sayang pakikialam mo kung di ka kasama sa headline" (@ricciiirivero)
Source: Instagram

Sa tweet ni Bea, wala itong binanggit na pangalan ngunit aniya ay maging sa hard launch ay puro daw nagmamalinis ang taong kanyang tinutukoy.

Kasunod ito ng pagpost din ni Ricci ng tungkol sa kanila ni Leren Mae Bautista.

Read also

Ricci Rivero, pinagtanggol si Leren sa basher: "Prove mo na nang agaw siya"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sinagot niya rin ang isang netizen na pumuna sa pagpatol daw niya sa babae.

Diba dinadamay nila yung isa na walang kasalanan? Dahil ngayon nag sasalita na ako pumapatol na? Antayin natin yung time is the ultimate truth teller ng magka alaman sino talaga isama kita sa washing machine eh

Si Ricci Paolo Uy Rivero o mas kilala bilang si bilang si Ricci Rivero ay isang Filipino basketball player. Nakilala siya sa kanyang performance sa UAAP Season 80 men's basketball tournament dahilan para siya'y mapabilang sa Mythical Five at makuha ang Most Improved Player award. Bukod sa basketball, isa rin siyang modelo at pinasok na rin niya ang mundo ng Showbiz.

Matatandaang may lumalabas na bali-balita na bagong pasabog umano ang kampo ni Ricci Rivero ukol sa dating karelasyon na si Andrea Brillantes. Sinasabing may naiwang underwear si Andrea sa condo unit ni Ricci. Ani Cristy, maaring gawa-gawa lamang ito ng kampo ng lalake gayung may nasabi si Andrea tungkol sa ex na hindi nagpapalaba sa loob ng isang taon. Depensa naman ni Cristy, respeto nalang sana at hindi na nararapat pang magsalita ng lalake lalo na at maaring ikasira ito ng imahe ng babae.

Read also

Leren Mae Bautista, umalma sa nagsabing siya ang babaeng naabutan ni Andrea sa condo

Kamakailan ay binahagi ni Andrea Brillantes ang kanyang pagkomento sa Instagram live ng Blackpink member na si Rosé. Sa kanyang Instagram story ay binahagi ni Andrea ang kanyang pagkomento sa IG live ni Rosé at ang reaksiyon nito nang malamang break na sila ng lalaki na niyaya niya sa prom. Hindi napigilang mapatakip ng bibig si Rosé na tila nabigla sa sinabi ni Andrea. Ani Andrea, okay naman siya at masaya dahil napansin siya ng Blackpink.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel