Lalaking kumasa sa 'Laklak challenge' na may premyong Php20,000, nasawi
- Nasawi ang isang 29-anyos na lalaki na kumasa sa Laklak challenge ng kanyang kaibigan
- Ito ay para umano sa premyong Php20,000 sakaling maubos niya ang isang bote ng alak sa loob ng dalawampung segundo
- Nagawa man ito ng lalake subalit makalipas ang isang oras, may kakaiba na itong naramdaman
- Nadala man agad sa pagamutan ang lalaki, agad na rin itong binawian ng buhay
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Patay ang isang 29-anyos na construction worker sa bayan ng Villanueva sa Misamis Oriental noong Oktubre 3.
Nalaman ng KAMI na ito ay matapos na kumasa ito sa 'Laklak challenge' ng kanyang kaibigan.
Sa ulat ng ABS-CBN, nakilala ang lalaking si Rechie Dumalaon, isang construction worker.
Sinasabing kumasa si Rechie sa naturang challenge kapalit ang Php 20,000 papremyo kung maubos niya ang isang malaking bote ng alak sa loob lang ng dalawampung segundo.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Napatagumpayan naman ito ni Rechie subalit makalipas umano ang isang oras, may kakaiba na itng naramdaman at agad namang nadala sa pagamutan.
Subalit sa kasamaang palad, hindi na ito nagtagal at binawian na ng buhay.
Sa imbestigasyon ng pulisya, lumabas na mayroon na umanong sakit sa puso si Rechie na ginawa lamang ang challenge para sa premyo na gagamitin niya sana pagpapa-check up ng ama at pandagdag na rin sana niya sa gastusin ng kanyang kasal sa darating na Disyembre.
Narito ang kabuuan ng video:
Samantala, ang 'inuman session' ang isa umano sa mahigpit na ipinagbawala noong kasagsagan ng pandemya. Sinasabing ito ay maaring maging sanhi ng mabilis na pagkakahawa-hawa ng mga magkakainom kung ang isa sa kanila ay positibo pala sa COVID-19.
Matatandaang ilan pang mga kalye ang sumailalim sa lockdown dahil sa umano'y pagkakaroon ng mga party at inuman kung saan nagkahawa-hawa nga ang mga magkakapitbahay na nagkasiyahan kahit mariin pa rin itong ipinagbabawal noon.
Andrea Brillantes, sinabing edited ang post kung saan ni-like daw ni Ricci ang IG story ng isang babae
Tulad na lamang ng isang lalaki sa Quezon City na dapat sana'y naka-home quarantine subalit mas pinili pa nitong maghappy-happy at makipag-inuman na siyang naging mitsa ng peligro sa kanyang mga nakainom.
Ang masaklap, nakasalamuha na nila ang iba pang mga tao maging ang mga taga-ibang barangay kaya naman nasa 1,000 ang dapat na i-swab test upang makumpirma kung mayroon pa silang mga nahawa.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh