Kristel Fulgar, binahagi ang tungkol sa kwento ng pag-iibigan nila ng kanyang first boyfriend

Kristel Fulgar, binahagi ang tungkol sa kwento ng pag-iibigan nila ng kanyang first boyfriend

- Ibinahagi ni Kristel Fulgar sa kanyang vlog ang kwento ng kanyang relasyon sa unang boyfriend na si Ha Su-Hyuk

- Inamin niyang nakaramdam siya ng pressure dahil malapit na siya sa gusto niyang marrying age ngunit naniniwala siyang sulit ang paghihintay

- Ipinahayag ni Kristel na ang tunay niyang pangarap ay magkaroon ng sariling pamilya kaysa magpayaman lamang

- Ikinatuwa ng mga tagasuporta ni Kristel ang kanyang kwento ng pag-ibig na nagbigay inspirasyon sa maraming nanonood

Ibinahagi ng kilalang vlogger at aktres na si Kristel Fulgar ang kanyang kwento ng pag-ibig sa boyfriend niyang si Ha Su-Hyuk sa isang kamakailang vlog. Sa kabila ng pagiging late bloomer pagdating sa mga romantikong relasyon, masaya niyang ibinahagi ang kanyang bagong yugto ng buhay na ikinatuwa ng marami niyang tagahanga.

Kristel Fulgar, binahagi ang tungkol sa kwento ng pag-iibigan nila ng kanyang first boyfriend
Kristel Fulgar, binahagi ang tungkol sa kwento ng pag-iibigan nila ng kanyang first boyfriend
Source: Facebook

“Sobrang nakakatuwa na maraming natuwa para sa akin. May pagka-late bloomer man, eh nakahabol pa din. Char!” ani Kristel habang inilahad ang kanyang kasiyahan.

Read also

Yasmien Kurdi, muling naglabas ng saloobin kaugnay sa umano'y pangbubully sa anak

Ayon kay Kristel, dumaan siya sa panahon ng pag-aalala at pressure dahil sa kanyang edad. “Parang mga 3 years ago, medyo nape-pressure na ako, kasi nga malapit na ’ko du’n sa gusto kong marrying age, which is 30, 31, 32. Tapos ’yung mga ka-batch ko, nagpapakasalan na, may mga anak na,” kwento niya.

Ngunit sa kabila ng pressure, natutunan niya ang tunay niyang hangarin sa buhay. “So na-realize ko, ano ba ’yung pinaka talagang goal ko sa buhay? Akala ko dati, parang yumaman lang, magkaroon ng maraming pera. Pero I realized, pagtanda ko, what I really wanted is to have my own family,” dagdag pa ng vlogger.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ang kwento ni Kristel ay umani ng papuri mula sa mga tagasuporta niya, na nagbigay ng inspirasyon sa marami na ang pagmamahal at tamang panahon ay laging darating sa takdang oras.

Si Kristel Fulgar ay nakilala sa mundo ng showbiz matapos niyang maging bahagi ng "Goin' Bulilit". Ilan sa mga palabas na naging kabahagi siya ay Maria Flordeluna, Dahil Sa Pag-ibig, Got to Believe, at Bagito.

Read also

Sofronio Vasquez, proud na sa Tawag na Tanghalan siya nagmula: "Sila ang unang naniwala sa akin"

Pumirma si Kristel Fulgar sa Korean entertainment agency na Fivestone sa Hongdae. Sa kanyang vlog, binahagi ni Kristel ang pagkikita nila ng CEO ng naturang agency at pagpirma niya ng kontrata.

Kamakailan ay binahagi ni Kristel ang video ng kanyang meeting sa isang Korean Brand na kumuha sa kanya bilang ambassador. Ayon sa kanila, napanood nila ang vlog ni Kristel at nagustuhan nila ang ginawa ni Kristel kung saan pinakita niya na ginagamit niya ang produkto.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate