Video clip kung saan magkasama sina Jake Ejercito at Andi Eigenmann, kinakiligan
- Nag-reunite sina Andi Eigenmann at Jake Ejercito upang ipagdiwang ang 13th birthday ng kanilang anak na si Ellie
- Pumunta si Andi mula Siargao kasama ang dalawa niyang anak na sina Lilo at Koa upang dumalo sa handaan na inorganisa ni Jake
- Isang video clip ng magulang ni Ellie ang umani ng komento dahil sa nakitang kilig ng ilang fans habang nakangiti si Jake kay Andi
- Masaya si Andi sa kanyang buhay sa Siargao kasama ang partner na si Philmar Alipayo at kanilang mga anak
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Umani ng iba’t ibang komento ang isang video clip kung saan makikita ang dating mag-partner na sina Jake Ejercito at Andi Eigenmann habang nagdiriwang ng kaarawan ng kanilang anak na si Ellie. Sa naturang video, habang nagsasalita si Andi, makikitang nakangiti at nakatingin si Jake, na ikinatuwa at ikinakilig ng ilang fans.
Gayunpaman, may mga nagsabi na tila nabigyan lang ng ibang kulay ang eksena, lalo na’t naka-slow motion ang video, na nagbigay ng mas romantikong interpretasyon sa kanilang interaksyon. Sa kabila nito, nananatili ang suporta ng mga fans sa maayos na relasyon ng dalawa bilang magulang ni Ellie.
Naging espesyal ang selebrasyon para kay Ellie, na ngayo’y isa nang teenager. Lumipad si Andi mula Siargao kasama ang dalawa niyang anak na sina Lilo at Koa upang dumalo sa handaan na inorganisa ni Jake noong Nobyembre 23, ang kaarawan ni Ellie.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Sa Instagram, ibinahagi ni Andi na ito ang kauna-unahang biyahe nila mula nang bumalik si Ellie sa Maynila para sa regular na pagpasok sa paaralan. Sa kasalukuyan, masaya si Andi sa piling ng kanyang kasintahan na si Philmar Alipayo, isang professional surfer at ama ng dalawa niyang anak.
Si Juan Emilio Ejercito o mas kilala sa screen name niya bilang si Jake Ejercito ay anak ni dating pangulong Joseph Estrada at ni Laarni Enriquez. Siya ang ama ng panganay na anak ni Andi Eigenmann na si Ellie Ejercito. Naging bahagi siya ng ilang mga serye kagaya ng Marry Me Marry You. Ilan sa mga pelikulang kanyang nagawa ay Coming Home (2020), Pamilya (2018) at Mansyon (2017.)
Matatandaang binida ni Jake ang pag-uusap nila ng anak niyang si Ellie Ejercito. Sa kanyang post ay makikita ang nakakaaliw na pag-uusap nilang mag-ama kung saan ilang beses nilang nabanggit ang salitang 'haynaku'.
Samantala, sinagot ni Jake ang isang netizen na nagkomento sa isang post ng GMA News patungkol sa kanya. Sa komento ng netizen na ito, sinabi niyang tahimik lang si Jake noong panahong binabatikos si Albie Casiño dahil siya ang sinasabing ama ng pinagbubuntis ni Andi Eigenmann.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh