Jake Ejercito, bumwelta sa komento tungkol sa reaksiyon niya sa isyu noon nina Albie at Andi

Jake Ejercito, bumwelta sa komento tungkol sa reaksiyon niya sa isyu noon nina Albie at Andi

- Sinagot ni Jake Ejercito ang isang netizen na nagkomento sa isang post ng GMA News patungkol sa kanya

- Sa komento ng netizen na ito, sinabi niyang tahimik lang si Jake noong panahong binabatikos si Albie Casiño dahil siya ang sinasabing ama ng pinagbubuntis ni Andi Eigenmann

- Sagot naman ni Jake, ang netizen na ito ay nagkokomento nang hindi inaalam ang katotohanan sa pangyayari at mali-mali pa ang spelling

- Matatandaang naunang inakala ng publiko na si Albie ang ama ng anak ni Andi na kinalaunan ay napag-alamang anak ni Jake

Pinalagan ni Jake Ejercito ang isang netizen na nagkomento patungkol sa kanyang pananahimik umano noong panahong binabatikos si Albie Casiño dahil siya ang sinasabing ama ng pinagbubuntis ni Andi Eigenmann.

Jake Ejercito, bumwelta sa komento tungkol sa reaksiyon niya sa isyu noon nina Albie at Andi
Jake Ejercito, bumwelta sa komento tungkol sa reaksiyon niya sa isyu noon nina Albie at Andi
Source: Instagram

Sinagot ito ni Jake at sinabing nagkokomento nang hindi inaalam ang katotohanan sa pangyayari at mali-mali pa ang spelling. Tinawag niya rin itong clout chaser.

Read also

Ogie D, sa nagtatanong kung nanliligaw daw si Jericho kay Kathryn: "Di ko alam ang isasagot"

Sa kasalukuyan ay burado na ang naturang komento at sagot ni Jake.

Jake Ejercito, bumwelta sa komento tungkol sa reaksiyon niya sa isyu noon nina Albie at Andi
Jake Ejercito, bumwelta sa komento tungkol sa reaksiyon niya sa isyu noon nina Albie at Andi
Source: Facebook

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Juan Emilio Ejercito o mas kilala sa screen name niya bilang si Jake Ejercito ay anak ni dating pangulong Joseph Estrada at ni Laarni Enriquez. Siya ang ama ng panganay na anak ni Andi Eigenmann na si Ellie Ejercito. Naging bahagi siya ng ilang mga serye kagaya ng Marry Me Marry You. Ilan sa mga pelikulang kanyang nagawa ay Coming Home (2020), Pamilya (2018) at Mansyon (2017.)

Maayos ang co-parenting nina Jake at Andi sa kabila ng pagkakaroon ng sariling pamilya ni Andi na nakatakda nang ikasal kay Philmar Alipayo na ama ng dalawang anak niya. Kamakailan ay nabanggit ni Jake na naapektuhan si Ellie sa sigalot sa pagitan ng kanyang mga magulang noon. Sa kasalukuyan ay maayos na ang kanilang relasyon bilang magulang kay Ellie. Sa katunayan, tinawag ni Jake na "MVP" si Andi kamakailan.

Read also

Ogie D sa anak ni Jhong Hilario na si Sarina: "Napakabiba ng batang 'yan"

Naibahagi din ni Jake ang isang lumang picture ni Andi Eigenmann na kuha sa dinner date nila noong 2013 noong sila pa ang magkarelasyon. Binahagi niya rin ang picture ni Ellie na kagaya ng pagkakakuha ng picture ni Andi na kalahati lang ng kanyang mukha ang kita. Marami naman ang natuwa sa binahaging ito ni Jake dahil kahit hindi na sila ni Andi ay naibabahagi pa rin nito ang picture ng ex. Sa kasalukuyan ay maayos na ang kanilang relasyon sa pagiging co-parents sa anak nilang si Ellie.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel