Ogie D, sa nagtatanong kung nanliligaw daw si Jericho kay Kathryn: "Di ko alam ang isasagot"

Ogie D, sa nagtatanong kung nanliligaw daw si Jericho kay Kathryn: "Di ko alam ang isasagot"

- Wala raw maisagot si Ogie Diaz sa madalas na maitanong sa kanya kamakailan

- Ito ay tungkol sa inaakala ng marami na panliligaw umano ni Jericho Rosales kay Kathryn Bernardo

- Matatandaang halos magkasunod na napabalitang hiwalay na sa kani-kanilang kabiyak noon sina Kathryn at Echo

- Gayunpaman, kapansin-pansin na tila ine-enjoy daw muna ni Kath ang pagiging single nito sa ngayon

Madalas daw matanong ngayon si Ogie Diaz tungkol sa estado ng relasyon nina Jericho Rosales at Kathryn Bernardo na umano'y madalas nakakasama sa iba't ibang mga kaganapan.

Kathryn Bernardo (@bernardokath)
Kathryn Bernardo (@bernardokath)
Source: Instagram

Ito ay matapos mapabalitang hiwalay na rin sina Jericho at asawa nitong si Kim Jones habang si Kathryn naman ay kasalukuyan din umanong single.

"Ang madalas kong natatanggap na tanong ay kung nanliligaw daw ba si Jericho Rosales kay Kathryn ngayong wala na sila ni Kim Jones."

"'Di ko alam ang isasagot doon. Sabi ko itatanong ko nalang dito," ani Ogie D.

Read also

Ogie D sa anak ni Jhong Hilario na si Sarina: "Napakabiba ng batang 'yan"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Samantala, nabanggit din ni Mama Loi na bukod kay Jericho, marami rin ang nais naman umanong pormahan na ni Alden Richards si Kathryn.

"Depende yan kay Kath. Baka naman ine-enjoy pa muna ni Kath'yung mga friends niya. 'Yung wala siyang sabit muna. 'Yung nagagawa niya ang gusto niya nang walang umaawat sa kanya," ang sagot naman ni dito ni Ogie D.

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Kathryn Bernardo ay isang aktres na unang nakilala sa mundo ng showbiz nang gumanap siya bilang ang batang Cielo sa Kapamilya teleseryeng "It Might Be You". Kinalaunan ay naipareha siya kay Daniel Padilla at nakilala ang tambalan nila bilang "KathNiel."

At noong Nobyembre 30 sa natapos na taong 2023, halos sabay na kinumpirma nina Kathryn at Daniel ang kanilang paghihiwalay na matagal nang naging bali-balita noon bago pa man ipalabas ang pelikula ni Kathryn na A Very Good Girl. Sa pamamagitan ng kani-kanilang post, naglahad ng saloobin ang dalawa upang ipaunawa lalo na sa kanilang mga fans ang parehong desiyon na mayroon pa rin umanong respeto at pagmamahal.

Read also

Kim Rodriguez, nakausap ni Ogie D; pinabulaanan ang isyu nila ni Marc Pingris

Samantala sa 28th birthday ni Kathryn, isang makabuluhang mensahe ang handog ng kanyang inang si Min Bernardo. Nilarawan niya si Kath na "you haven’t felt okay lately" subalit kahanga-hanga umano ito kung paano bumabangon araw-araw at hindi sumusuko at labis umano niyang na-appreciate ang pagpapahalaga ni Kathryn sa paggabay ng pamilya niya sa kanya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Hot:
Online view pixel