Herlene Budol, agaw-pansin sa GMA Gala matapos mahulog habang rumarampa

Herlene Budol, agaw-pansin sa GMA Gala matapos mahulog habang rumarampa

- Kabilang si Herlene Nicole Budol sa pinag-usapan sa GMA Gala dahil sa kanyang bonggang gown

- Gayunpaman, bukod dito ay agaw-pansin din si Herlene matapos itong madapa at mahulog sa stage habang rumarampa ito

- Maririnig sa video na kumakalat ngayon sa social media ang pagkagulat ng mga naroroon at nanonood

- Marami ang nag-alala sa kanya ngunit matapos ang nangyari ay nakapagpost naman si Herlene sa social media

Isa si Herlene Nicole Budol sa mga naging sentro ng atensyon sa GMA Gala, hindi lamang dahil sa kanyang bonggang gown kundi dahil sa isang insidente na naganap habang siya ay rumarampa.

Herlene Budol, agaw-pansin sa GMA Gala matapos mahulog habang rumarampa
Herlene Budol, agaw-pansin sa GMA Gala matapos mahulog habang rumarampa
Source: Facebook

Habang rumarampa sa entablado, nadapa at nahulog si Herlene, na agad na ikinagulat ng mga naroroon at ng mga nanonood. Ang video ng insidente ay mabilis na kumalat sa social media, kung saan maririnig ang reaksyon ng pagkabigla mula sa mga taong nakasaksi.

Read also

Ana Ramsey, nagsalita matapos ang komento sa kanya bilang bahagi ng Wil To Win

Maraming netizens at mga tagahanga ang nag-alala para kay Herlene at nagpadala ng mensahe ng suporta at pag-aalala. Sa kabila ng pagkabahala ng marami, pinatunayan ni Herlene ang kanyang katatagan at propesyonalismo.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa kanyang post, nagpasalamat si Herlene sa lahat ng pag-feature sa kanya sa ilang posts at sa kanyang glam team.

Bukod sa insidente, umani rin ng papuri si Herlene dahil sa kanyang stunning na gown. Sa kabila ng nangyari, nagpatuloy si Herlene sa pagtanggap ng papuri mula sa kanyang mga kasamahan at tagahanga.

Si Herlene "Hipon" Budol ay unang nakilala sa kanyang bansag na Hipon Girl sa programa ni Willie Revillame na Wowowin. Minahal siya ng kanyang mga tagahanga at tagasubaybay dahil sa pagiging prangka nito kahit pa sa harap ng kamera. Kamakailan ay sumali siya sa Binibining Pilipinas kung saan naging first runner up siya.

Read also

Rosmar, ibinibenta na umano ang kanyang R Mansion and Restobar sa Laguna

Matatandaang binahagi ni Herlene ang kanyang pakikipagkaibigan sa mga kapwa niya sa kandidata sa Miss Planet International 2022. Pinatikim niya sa mga ito ang dala niyang kutkutin na buto ng kalabasa. Tinuruan niya ang mga ito kung paano ang tamang pagkain nito at mukhang nagustuhan naman nila ang lasa. Matatandaang pumunta si Herlene sa Uganda sa Africa para sana sumabak sa Miss Planet.

Sa post ni Wilbert Tolentino, sinabi niyang hindi na kasali sa Miss Planet International 2022 si Herlene. Sa kanyang binahagi sa Facebook, sinabi ni Wilbert na ito ay dahil sa umano'y "uncertainties" sa panig ng mga organizers. Humingi siya ng dispensa sa mga supporters at lahat ng sponsors at designer at pinasalamatan niya din ang mga ito. Ito sana ang kauna-unahang international pageant ni Herlene.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate