Herlene Nicole Budol, hindi na kasali sa Miss Planet International 2022

Herlene Nicole Budol, hindi na kasali sa Miss Planet International 2022

- Binahagi ni Wilbert Tolentino na hindi na kasali sa Miss Planet International 2022 si Herlene Nicole Budol

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Sa kanyang na binahagi sa Facebook, sinabi ni Wilbert na ito ay dahil sa umano'y "uncertainties" sa panig ng mga organizers

- Humingi siya ng dispensa sa mga supporters at lahat ng sponsors at designer at pinasalamatan niya din ang mga ito

- Matatandaang nasa Uganda na sina Herlene kasama ang kanyang team para sa nakatakdang pagsabak niya sa kanyang unang international pageant

Napagpasyahan ni Wilbert Tolentino na i-withdraw na si Herlene Nicole Budol sa Miss Planet International 2022. Sinabi ni Wilbert na ito ay dahil sa umano'y "uncertainties" sa panig ng mga organizers.

Herlene Nicole Budol, hindi na kasali sa Planet International 2022
Herlene Nicole Budol, hindi na kasali sa Planet International 2022 (@herlene_budol)
Source: Instagram

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Tila wala din umanong kusa ang pamahalaan sa naturang bansa na makialam para maayos na ang problema. Humingi siya ng dispensa sa mga supporters at lahat ng sponsors at designer at pinasalamatan niya din ang mga ito.

We apologize to the supporters, who were rooting for since day one. To the team, sponsors, and designers. Thank you and I am sorry.

Aniya, di matatangging traumatic ang kanilang pinagdaanan ngunit inilaban umano nila ito hanggang sa huli.

This is indeed a traumatic experience for all of us, but we fought for it until the end. And that is our mission.

Si Herlene "Hipon" Budol ay unang nakilala sa kanyang bansag na Hipon Girl sa programa ni Willie Revillame na Wowowin. Minahal siya ng kanyang mga tagahanga at tagasubaybay dahil sa pagiging prangka nito kahit pa sa harap ng kamera. Kamakailan ay sumali siya sa Binibining Pilipinas kung saan naging first runner up siya.

Pinalakpakan si Herlene sa kanyang sagot sa Binibining Pilipinas Question and answer portion. Makikita din sa audience ang kanyang manager na hindi maitago ang kaba habang naghihintay ng sagot ng kanyang alaga. Sinalin naman sa wikang Tagalog ng huradong si Cecelio Asuncion ang kanyang tanong kay Herlene. Naghiyawan ang mga fans ni Herlene nang matagumpay nitong nasagot ang tanong sa kanya.

Ayon kay Herlene, gagawa siya ng sarili niyang kasaysayan para sa susunod na henerasyon. Para umano ito sa mga kabataang babae na may pangarap lumaban sa malalaking patimpalak at maging beauty queen. Muli niyang sinabi na hindi kamangmangan ang hindi pagsasalita ng wikang Ingles at nag-udyok din siya na pagyamanin ang Wikang Filipino. Matatandaang tanging si Herlene ang sumagot sa Q&A ng Binibining Pilipinas gamit ang wikang Filipino.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel