Julia Barretto at Gerald Anderson, pinakilig ang mga fans sa kanilang date night

Julia Barretto at Gerald Anderson, pinakilig ang mga fans sa kanilang date night

- Binahagi ni Gerald Anderson ang kanilang date night ni Julia Barretto habang nasa bakasyon sila sa Singapore

- Bukod sa kanilang pamamasyal, sinubukan din nila ang iba't-ibang restaurant

- Hindi nakaligtas sa mga netizens ang pagiging sweet at malambing nila sa isa't-isa

- Marami sa mga fans nila ang hindi napigilang kiligin sa kanilang dalawa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binahagi ni Gerald Anderson sa kanyang YouTube channel ang kanilang pamamasyal ni Julia Barretto sa Singapore. Marami sa mga fans nila ang hindi napigilang kiligin sa kanilang dalawa.

Julia Barretto at Gerald Anderson, pinakilig ang mga fans sa kanilang date night
Julia Barretto at Gerald Anderson, pinakilig ang mga fans sa kanilang date night (@andersongeraldjr)
Source: Instagram

Makikita sa ilang bahagi ng video ang ani Gerald ay ang "pagbigay" ni Julia sa shopping. Napabili ito ng sapatos. Hindi naman masyadong namili si Gerald. Hindi nakaligtas sa mga netizens ang pagiging sweet at malambing nila sa isa't-isa.

Narito ang mga komento ng netizens:

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ang sarap panoorin ng lovebirds na ito, na influence ni Julia si Gerald na maging masayahin, at may respeto sa isat isa. Kya naman tumatagal ang relationship nila. They are the unbothered couple, just keep going Jurald, we love you both.
Sa lahat ng mga nagvvlog na artista kayong dalawa talaga yung naappreciate ko, like I know and felt na Ito yung totoong kayo talaga. Would be so happy to see more of your vlogs together
Nice to see again the makulit side of Gerald.

Si Gerald Anderson ay unang sumikat sa mundo ng showbiz matapos niyang mapabilang sa mga teen housemates ng Pinoy Big Brother kung saan nakasama niya si Kim Chiu. Naging katambal niya sa maraming pelikula si Kim na naging kasintahan niya rin sa totoong buhay. Gayunpaman, nagkahiwalay sila at naiugnay sa ibang mga aktres si Gerald kagaya nina Maja Salvador, Bea Alonzo at Sarah Geronimo.

Sa pag-guest ng kasintahan ni Gerald na si Julia Barretto sa YouTube channel ni Karen Davila, natanong siya kung sigurado siyang hindi siya sasaktan ng kanyang boyfriend. Ani Julia, hindi siya makikipagrelasyon kay Gerald kung hindi niya ito pinagkakatiwalaan. Pinapakita umano nito kay Julia na mapagkakatiwalaan siya at walang dahilan para pagdudahan niya si Gerald.

Sa parehas ding panayam kay Julia, natanong ni Karen Davila kay Julia ang ilang bagay tungkol sa estado ng relasyon nila ni Gerald. Kabilang na dito ay ang posibilidad na magpakasal silang magkasintahan. Ani Julia, naniniwala siyang dadating sa kanila ni Gerald ang tamang panahon tungkol sa usaping ito. Aniya masaya naman siya at secured kahit hindi pa sila kinakasal ng aktor.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel