Netizen, pinalakpakan online dahil sa kakaibang konsepto nito ng Darna

Netizen, pinalakpakan online dahil sa kakaibang konsepto nito ng Darna

- Labis na hinangaan online ang isang netizen na may kakaibang konsepto ng Darna

- Siya bilang si 'Ding' ang mismong nakalunok ng bato, dahilan para mag-transform siya bilang si 'Darno'

- Ito ang naisip niyang costume na naging agaw eksena sa katatapos lang na Halloween noong nakaraang taon

- Sa ngayon, nanumbalik ang Darna fever nang muling bigyang buhay ito ng aktres na si Jane De Leon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Napabilib ang maraming netizens sa kakaibang konsepto ng 'Darna' na naisip ng artist at singer na si Spencer Geronimo.

Netizen, pinalakpakan online dahil sa kakaibang konsepto nito ng Darna
Photo: Spencer Geronimo
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na sa kasagsagan ng mga Halloween parties noong nakaraang linggo, ang kakaibang Darna ang naisip na maging costume ni Spencer.

"What if Ding swallow the bato?" ang bungad ng caption ng kanyang mga larawan kung saan makikita na siya bilang si 'Ding' ang mismong makakalunok ng bato na ginagamit ni 'Darna' upang makapag-transform at maging isang superhero.

Read also

Dimples Romana, sinabing deserved ni Angel Locsin ang privacy

"Coz We have a lot more of unlikely heroes now, some of them disguises as a hero but theyre real monsters. We need more real heroes in this time, It's not just a guy with Guns -it's a guy with courage and brains," aniya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Siya mismo ang nakaisip ng ideyang ito na marahil ay naisip na rin ng iba ngunit hindi nila nagawang maibulalas kung ano nga ba ang mangyayari sakaling si Ding at hindi si Darna ang makalunok ng bato.

Kuha ni Sean Salvador ang mga larawan habang sina CeeJay Malubay at Junalyn Niebre Santiago ang namahala sa hair and makeup ni Spencer.

At ang mga disenyo at iba pang detalye ng costume ay pawang mula na lahat kay Spencer.

Narito ang kabuuan ng kanyang post:

Ngayong taon, nabuhay ang 'Darna fever' sa bansa dahil sa pagbibigay buhay muli ni Jane De Leon sa naturang karakter.

Read also

Backstreet Boys, nagbigay pugay kay Aaron Carter; Nick, 'di napigilang maiyak

Taon ang binilang ng paghahanda para sa serye na ito kung saan si Liza Soberano sana ang gaganap.

Gayunpaman, nabigyang hustisya naman ni Jane ang karakter sa kabila ng iba't ibang mga naging komento ng publiko sa kanya. Napatunayan niyang siya umano ang nararapat na gumanap bilang si Darna base na rin sa ipinakikita niyang husay sa pag-arte na mapapanood gabi-gabi.

Kasama rin ni Jane sa naturang serye si Zaijan Jaranilla, Janella Salvador at Joshua Garcia.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel