Jane De Leon, ibinahagi ang ilan pang alaala ng dinanas na hirap noon; "wala po kaming makain"

Jane De Leon, ibinahagi ang ilan pang alaala ng dinanas na hirap noon; "wala po kaming makain"

- Binalikan ni Jane De Leon ang ilan pang mga dinanas na hirap bago niya matamasa ang tagumpay ngayon

- Inamin niyang dumaan sa problema pinansyal ang kanilang pamilya buhat nang maloko ang kanyang ama sa negosyo

- Dumating sa puntong wala na talaga silang makain na ang limang piso na naibili sana ng itlog ay nasayang nang siya'y madapa

- Matiyaga na lamang na nagtutungo si Jane at ang kanyang ina sa mga raket modeling at acting at ngayo'y nagbunga nga ang kanilang sakripisyo

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naikwento ni Jane De Leon sa panayam sa kanya ni Karen Davila ang hirap na dinanas noon ng kanyang pamilya.

Jane De Leon, ibinahagi ang ilan pang alaala ng dinanas na hirap noon; "wala po kaming makain"
Jane De Leon (@imjanedeleon)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na buong tapang na inamin ng bagong 'Darna' na maging siya ay dumaan sa matitinding pagsubok sa buhay.

Mula nang maloko umano ang kanyang ama sa negosyo ng sarili nitong kaibigan, nagbago na talaga ang takbo ng kanilang pamumuhay.

Read also

Andrea Torres, tahimik pa rin sa hiwalayan nila noon ni Derek; "Walang maidudulot na mabuti"

Dumating talaga sa puntong wala na silang makain gayung hindi sasapat ang kinikita ng ina na siyang sumalo sa paghahanapbuhay dahil sa dumaan sa depresyon ang kanyang ama.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Limang piso na lang po yung pera namin, Inutusan po ako ni Papa pati ni Mama na bumili ng itlog. Nag-iisa na lang po yung five pesos na 'yun. Kaso po 'yung pagbalik ko po sa bahay, nadapa po ako. Nabasag po 'yung itlog kaya wala na naman po kaming nakain, asin na naman po 'yung kinakain namin,"kwento ni Jane.

Sa kabila nito, hindi nagpatinag ang aktres ang ina nito na ipagpatuloy ang pangarap na pagpasok sa showbiz.

Kahit wala nang budget, sinisikap nilang pagkasyahin ang Php100 para sa kanilang pamasahe, tubig at pagkain.

At ngayon, nagbunga naman ang lahat ng kanilang sakripisyo dahil sa tuloy-tuloy na biyaya kay Jane lalo na at siya ang napili bilang bagong Darna.

Read also

Jessy Mendiola at Luis Manzano, naging emosyonal nang unang malamang buntis na si Jessy

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Karen Davila YouTube channel:

Si Jane de Leon ay isa sa mga kilalang bagong aktres at modelo sa bansa. Dati siyang miyembro ng girl group na GirlTrends, na mapapanood noon sa It's Showtime. Nabigyang pagkakataon siyang makilala sa pag-arte sa ilang mga patok na teleserye sa ABS-CBN tulad ng "Halik," "La Luna Sangre," at maging ang katatapos lamang na "FPJ's Ang Probinsyano."

At ngayon, mapapanood na rin siya sa kauna-unahang proyekto kung saan siya ang bida, ang "Darna."

Pumalo sa nasa 300,000 ang live viewers ng Pilot episode ng Darna noong Augut 15. Nakatanggap naman ito ng positibong komento mula sa mga nakapanood na inaabangan din ang paglabas ni Jane na suot na ang kanyang 'Darna' outfit.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel