Kristel Fulgar, tinuturing na priceless moment ang makadalo sa concert ni Seo In-guk

Kristel Fulgar, tinuturing na priceless moment ang makadalo sa concert ni Seo In-guk

- Binahagi ni Kristel Fulgar ang ilang pictures na kuha sa kanyang panonood sa concert ng kanyang idolong Korean superstar

- Masaya niyang binahagi ang aniya ay priceless moment na makita sa personal ang idolong si Seo In-guk

- Marami naman ang natuwa para kay Kristel na dati pa lang ay hindi na itinago na sobrang fan siya ng Korean star

- Kasalukuyang nasa Korea si Kristel na bukod sa pagtatrabaho ay nag-aaral din doon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binahagi ni Kristel Fulgar sa kanyang Instagram post ang pictures na kuha sa kanyang panonood sa concert ng kanyang idolong Korean superstar. Marami naman ang natuwa para kay Kristel na dati pa lang ay hindi na itinago na sobrang fan siya ng Korean star.

Kristel Fulgar, nagdiwang ng kanyang ika-28 ma kaarawan sa Korea
Kristel Fulgar, nagdiwang ng kanyang ika-28 ma kaarawan sa Korea (@kristelfulgar)
Source: Instagram

Ani Kristel, "priceless moment" niyang maituturing ang karanasang makapunta sa concert ng idolo. Kabilang si Kristel sa libo-libong fans na dumalo sa Blending concert ng Korean star na ginanap sa Kwangwoon University noong January 7.

Read also

Alex Gonzaga kinaaliwan sa kanyang "Scarlet Belo’s mommy for a day" video

Narito ang komento ng netizens:

Congratz!!! Finally!!! You did it!!! Waiting for the vlog

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pls convince him and his management to do a concert here in Manila
Nabubuhay ka sa mundong gusto ko ate tel

Si Kristel Fulgar ay nakilala sa mundo ng showbiz matapos niyang maging bahagi ng "Goin' Bulilit". Ilan sa mga palabas na naging kabahagi siya ay Maria Flordeluna, Dahil Sa Pag-ibig, Got to Believe at Bagito.

Matatandaang muling nakasama ni Kristel ang "Maria Flordeluna" co-star niyang si Eliza Pineda sa kanyang bagong vlog. Siya din umano ang pinakaunang naging kaibigan ni Kristel sa showbiz dahil hindi umano ito mayabang kagaya ng ibang batang artista na nauna sa kanya. Sabay nilang pinanood ang isang eksena sa "Maria Flordeluna" at sinubukan nilang gayahin ang kanilang ginawa doon. Muli din nilang binalikan ang kanilang kabataan nang isa-isa nilang tiningnan ang mga pictures nila noon na magkasama.

Read also

Rabiya Mateo, nakapundar ng 200-square meter na property para sa ina

Sa isang vlog ni Kristel, pinakita niya ang kanyang pagbiyahe papuntang South Korea. Sinundo siya ni Yohan Kim, o mas kilala sa bansag na Big Boss, ang CEO ng isang kilalang skincare brand na ni-launch sa Pilipinas noong 2018. Makikita sa naturang video ang kasiyahan nilang dalawa na muli silang nagkita nang personal matapos ang ilang taong pandemya. Marami naman sa viewers niya ang kinilig sa muli nilang pagsasama.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel