Alex Gonzaga kinaaliwan sa kanyang "Scarlet Belo’s mommy for a day" video

Alex Gonzaga kinaaliwan sa kanyang "Scarlet Belo’s mommy for a day" video

- Kinaaliwan si Alex Gonzaga sa kanyang bagong YouTube video kung saan sinubukan niyang maging mommy ni Scarlet Belo sa loob ng isang araw

- Kwela kay Scarlet at sa kalaro nito ang pagiging makulit at palabiro ni Alex

- Bukod sa paglalaro ng video game, sumama din si Alex sa paglalaro ni Scarlet sa swimming pool

- Maging si Dra. Vicki Belo ay hindi mapigilang matawa sa mga biro ni Alex

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binahagi ni Alex Gonzaga ang bagong YouTube video niyang "Scarlet Belo’s mommy for a day." Marami ang naaliw sa video na ito ni Alex kung saan maging si Scarlet ay natawa sa kanyang pagiging makulit at palabiro.

Alex Gonzaga kinaaliwan sa kanyang "Scarlet Belo’s mommy for a day" video
Alex Gonzaga kinaaliwan sa kanyang "Scarlet Belo’s mommy for a day" video (@cathygonzaga)
Source: Instagram

Bukod sa paglalaro ng video game, sumama din si Alex sa paglalaro ni Scarlet sa swimming pool. Isinama din nila si Alex sa kanilang paglabas kasama ang mga aso nina Dra Belo at ni Scarlet.

Read also

Ogie D sa dating interview niya sa Mclisse; "Dito pa lang, may na-sense na ako eh"

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens:

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ay grabe talaga to c Alex,you made me laugh so much ,and scarlet is very cute and funny.
Iba ka talaga, Ms. Alex G.! Napakadami kong iniisip tungkol sa mga desisyon ko sa buhay pero buti na lang napadaan ako sa YouTube at nanonood na naman ng pampa-good vibes!
Ang cute nilang mag kasama

Ang TV host-actress na si Alex Gonzaga ay unang sumikat sa mundo ng showbiz bilang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga. Isa siya sa maituturing na pinakamatagumpay na YouTuber sa bansa na mayroon nang mahigit 13.2 million na subscribers sa kasalukuyan.

Nagbiro si Alex tungkol sa isyung nag-resign siya sa episode ngayong araw ng Tropang Lol. Sa opening song pa lamang ng programa kung saan kumanta siya ay pabiro niyang isiningit ang "walang nag-resign." Ito ay sa gitna ng usap-usapang nag-resign umano siya lalo at wala siya noong unang araw ng back-to-back airing ng 'Tropang Lol' at 'It's Showtime.' Maging sa programa ni Cristy Fermin ay nabanggit na nag-resign si Alex sa programa kahit may isang buwang commitment pa umano itong natitira sa naturang programa.

Read also

Ogie Alcasid at Regine Velasquez, muling nakasama si Michelle Van Eimeren at mga anak nila

Nabanggit ni Alex sa kanyang podcast ang tungkol sa umano'y paninigaw sa kanya ng isang artista na nakatatanda sa kanya. Aniya, may mga pagkakataon na pinagmumukha siyang masama ng ibang tao dahil sa kanyang personality. Noong nasa 20s umano siya ay na-traumatize siya dahil sa ginawa sa kanya ng artistang ito at nagkwento pa umano at pinagmukha siyang masama. Ang akala umano nito ay galing siya sa bahay at late lang siya at hindi umano niya alam na galing siya sa trabaho.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel