Herlene Budol, nakipagkulitan sa mga kapwa kandidata kahit hirap mag-Ingles

Herlene Budol, nakipagkulitan sa mga kapwa kandidata kahit hirap mag-Ingles

- Binahagi ni Herlene Nicole Budol ang kanyang pakikipagkaibigan sa mga kapwa niya sa kandidata sa Miss Planet International 2022

- Pinatikim niya sa mga ito ang dala niyang kutkutin na buto ng kalabasa

- Tinuruan niya ang mga ito kung paano ang tamang pagkain nito at mukhang nagustuhan naman nila ang lasa

- Kasalukuyang nasa Uganda sa Africa si Herlene para sa nakatakdang pagsabak niya sa naturang pageant

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa video ni Herlene Budol, pinakita niya ang kanyang pakikipagkaibigan sa mga kapwa niya kandidata kahit hirap siyang magsalita sa wikang Ingles. Ibinida niya sa mga kasamahan ang dala niyang kutkutin na buto ng kalabasa.

Herlene Budol, nakipagkulitan sa mga kapwa kandidata kahit hirap mag-Ingles
Herlene Budol, nakipagkulitan sa mga kapwa kandidata kahit hirap mag-Ingles (@herlene_budol)
Source: Instagram

Sa tulong ng kanyang interpreter ay tinuruan niya ang kasamahan kung paano ang tamang pagkain nito. Base sa kanilang mga reaksiyon ay nagustuhan naman nila ang buto ng kalabasa na dala ni Herlene.

Read also

Herlene Budol, tinuruan ang mga kandidata ng Miss Planet International ng kantang "Moon"

Kasalukuyang nasa Uganda sa Africa si Herlene para sa nakatakdang pagsabak niya sa Miss Planet International 2022.

Marami naman ang natuwa kay Herlene sa pagiging natural nito at magaling makisama sa kabila ng language barrier dahil hindi siya gaanong makapagsalita nang tuloy-tuloy sa wikang Ingles.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Herlene "Hipon" Budol ay unang nakilala sa kanyang bansag na Hipon Girl sa programa ni Willie Revillame na Wowowin. Minahal siya ng kanyang mga tagahanga at tagasubaybay dahil sa pagiging prangka nito kahit pa sa harap ng kamera. Kamakailan ay sumali siya sa Binibining Pilipinas kung saan naging first runner up siya.

Pinalakpakan si Herlene sa kanyang sagot sa Binibining Pilipinas Question and answer portion. Makikita din sa audience ang kanyang manager na hindi maitago ang kaba habang naghihintay ng sagot ng kanyang alaga. Sinalin naman sa wikang Tagalog ng huradong si Cecelio Asuncion ang kanyang tanong kay Herlene. Naghiyawan ang mga fans ni Herlene nang matagumpay nitong nasagot ang tanong sa kanya.

Ayon kay Herlene, gagawa siya ng sarili niyang kasaysayan para sa susunod na henerasyon. Para umano ito sa mga kabataang babae na may pangarap lumaban sa malalaking patimpalak at maging beauty queen. Muli niyang sinabi na hindi kamangmangan ang hindi pagsasalita ng wikang Ingles at nag-udyok din siya na pagyamanin ang Wikang Filipino. Matatandaang tanging si Herlene ang sumagot sa Q&A ng Binibining Pilipinas gamit ang wikang Filipino.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel