Herlene Budol, tinuruan ang mga kandidata ng Miss Planet International ng kantang "Moon"

Herlene Budol, tinuruan ang mga kandidata ng Miss Planet International ng kantang "Moon"

- Kinaaliwan si Herlene Nicole Budol sa isang video kung saan tinuturuan niya ang mga kasamahan niya sa Miss Planet International ng kantang "Moon" ni Nik Makino

- Game na nakikanta at nakisayaw ang mga kapwa niya kandidata sa naturang pageant

- Marami sa mga tagahanga ni Herlene ang natuwa kung paano makisama at makipagkaibigan si Herlene kahit hirap siyang magsalita nang diretso sa wikang Ingles

- Kasalukuyang nasa Uganda sa Africa si Herlene para kumatawan sa Pilipinas

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Tinuruan ni Herlene Nicole Budol ang mga kapwa niya kandidata sa Miss Planet International ng kantang "Moon" ni Nik Makino. Marami sa mga tagahanga ni Herlene ang natuwa kung paano makisama at makipagkaibigan si Herlene kahit hirap siyang magsalita nang diretso sa wikang Ingles.

Herlene Budol, tinuruan ang mga kandidata ng Miss Planet International ng kantang "Moon"
Herlene Budol, tinuruan ang mga kandidata ng Miss Planet International ng kantang "Moon" (@herlene_budol)
Source: Instagram

Sa video na binahagi ng Facebook page na MPI - Planet Update makikita si Herlene kasama ang apat pa na kasamahan niyang kumakanta at umiindak sa awiting ito na usong-uso sa Pilipinas.

Read also

Herlene Budol, nakipagkulitan sa mga kapwa kandidata kahit hirap mag-Ingles

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kinatuwa din ng mga fans niya na ibinabahagi ni Herlene sa kasamahan ang mga bagay tungkol sa Pilipinas. Sa katunayan sa kanyang vlog ay pinatikim niya din ang mga kasamahan ng kutkutin na dala niya na buto ng kalabasa.

Si Herlene "Hipon" Budol ay unang nakilala sa kanyang bansag na Hipon Girl sa programa ni Willie Revillame na Wowowin. Minahal siya ng kanyang mga tagahanga at tagasubaybay dahil sa pagiging prangka nito kahit pa sa harap ng kamera. Kamakailan ay sumali siya sa Binibining Pilipinas kung saan naging first runner up siya.

Pinalakpakan si Herlene sa kanyang sagot sa Binibining Pilipinas Question and answer portion. Makikita din sa audience ang kanyang manager na hindi maitago ang kaba habang naghihintay ng sagot ng kanyang alaga. Sinalin naman sa wikang Tagalog ng huradong si Cecelio Asuncion ang kanyang tanong kay Herlene. Naghiyawan ang mga fans ni Herlene nang matagumpay nitong nasagot ang tanong sa kanya.

Ayon kay Herlene, gagawa siya ng sarili niyang kasaysayan para sa susunod na henerasyon. Para umano ito sa mga kabataang babae na may pangarap lumaban sa malalaking patimpalak at maging beauty queen. Muli niyang sinabi na hindi kamangmangan ang hindi pagsasalita ng wikang Ingles at nag-udyok din siya na pagyamanin ang Wikang Filipino. Matatandaang tanging si Herlene ang sumagot sa Q&A ng Binibining Pilipinas gamit ang wikang Filipino.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel