JoWaPao, nawindang nang banggitin ng batang contestant si Vice Ganda

JoWaPao, nawindang nang banggitin ng batang contestant si Vice Ganda

- Sa Barangay Cinema segment ng Eat Bulaga, mga bata ang nag-audition

- Isang anim na taong gulang bata na kinausap ng JoWaPao at naitanong kung sino ang paborito nitong singer

- Inunahan na siya ni Jose Manalo na bawal nang sabihin si Regine Velasquez

- Agad nitong sinagot na si Meme Vice daw ang paborito niyang singer

Sa Barangay Cinema segment ng Eat Bulaga, ilang mga bata ang nag-audition at ipakita ang kanilang mga talento. Isa sa mga batang ito ay isang anim na taong gulang na agad na nakatawag ng pansin ng hosts na sina Jose Manalo, Wally Bayola, at Paolo Ballesteros, o mas kilala bilang JoWaPao.

JoWaPao, nawindang sa favorite singer ng batang nakausap nila sa Eat Bulaga segment
JoWaPao, nawindang sa favorite singer ng batang nakausap nila sa Eat Bulaga segment
Source: Youtube

Habang masiglang tinatanong ng JoWaPao ang bata tungkol sa kanyang mga hilig at talento, dumating ang puntong tinanong siya kung sino ang kanyang paboritong singer. Biro ni Jose Manalo, hindi raw maaaring banggitin si Regine Velasquez.

Read also

Diana Zubiri, nagbenta ng ilang kontrobersyal niyang gamit sa Pinoy Pawnstars

Laking gulat ng lahat nang mabilis na sumagot ang bata na ang kanyang paboritong singer ay si Meme Vice, na mas kilala bilang Vice Ganda. Nagulat at natawa sina Jose at Paolo sa sagot ng bata, at bilang tugon ay nagbigay sila ng isang masayang shout out kay Meme Vice.

Ang insidenteng ito ay nagpakita ng kasiyahan at kasiyahan sa set ng Eat Bulaga, at nagdala ng aliw sa mga manonood.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It's Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.

Read also

Jelai Andres, ibinida ang love life nila ng mga kaibigang sina Zeinab at Donnalyn

Kinaaliwan si Kim Chiu matapos ibuking ni Vice Ganda na konting kibot daw naiiyak si Kim Chiu. Sa kanilang pag-uusap sa episode ng It's Showtime, pinuna ni Vice ang naging reaksiyon ni Kim sa kanyang pagkukuwento. Hirit naman ni Vhong Navarro, nagiging baka daw si Kim. Tawang-tawa naman si Kim sa mga hirit na ito ng kanyang mga co-hosts.

Kinaaliwan din ang biruan nina Vice Ganda at Jhong Hilario sa Isip Bata segment ng It's Showtime. Pabirong sinabi ni Vice Ganda sa madlang people na i-mass report si Jhong. Tawang-tawa naman silang mga host sabay sabi ni Jhong na na-block na nga daw siya ng Facebook. Matatandaang naging biruan nila ito simula nang matanggal ang Facebook page ni Rendon Labador dahil daw sa pag-mass report.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate