Diana Zubiri, nagbenta ng ilang kontrobersyal niyang gamit sa Pinoy Pawnstars

Diana Zubiri, nagbenta ng ilang kontrobersyal niyang gamit sa Pinoy Pawnstars

- Isa rin si Diana Zubiri sa mga naging panauhin ng shop ni Boss Toyo ng Pinoy Pawnstars

- Dala ni Diana ang ilan sa maituturing na kontrobersyal niyang items na talagang napag-usapan noong early 2000

- Paglilinaw ni Boss Toyo, tila natuwa lang sa kanya si Diana nang tanungin niya ito kung may nais na ibenta sa kanya

- Sa huli, nauwi pa sa dolyar ang ibinayad kay Diana sa napagkasunduan nilang halaga

Si Diana Zubiri ang pinakabagong panauhin ni Boss Toyo ng Pinoy Pawnstars.

Diana Zubiri, nagbenta ng ilang kontrobersyal niyang gamit sa Pinoy Pawnstars
Diana Zubiri, nagbenta ng ilang kontrobersyal niyang gamit sa Pinoy Pawnstars (Diana Zubiri)
Source: Youtube

Dala ni Diana ang ilan sa mga men's magazine kung saan siya ang cover. Gayundin ang CD ng kanyang naging pelikula at maging ng kanyang single na may pamagat na 'Catch up.'

Habang ipinakikita ang masasabing mga kontrobersyal na gamit niya, naibahagi rin niya ang mga kwento sa likod nito.

Isa na rito ang kontrobersyal niyang EDSA photoshoot kung saan naging agaw-eksena noong 2002.

Read also

Diana Zubiri, binalikan ang nangyari sa EDSA flyover photoshoot noong 2002

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Paglilinaw ni Boss Toyo, hindi naman talaga pagbibenta ang naging pakay ni Diana sa pagdadala nito ng mga gamit sa kanya.

Minsan niya raw kasi itong natanong kung may mga nais itong ibenta sa kanyang shop at pinaunlakan lang siya ni Diana dala ng tuwa.

Sa huli, nauwi sa dolyar ang bayaran ng mga dalang gamit ni Diana kung saan nagkasundo sila sa halagang $400.

Narito ang kabuuan ng mga pangyayari mula sa Boss Toyo Production YouTube channel:

Si Diana Zubiri ay dating aktres sa Pilipinas na ang totoong pangalan ay Rosemarie Joy Garcia-Smith. Bukod sa mga pelikula ay nakilala siya bilang si Danaya na isa sa mga 'Sanggre' sa GMA teleserye na 'Encantadia.'

Makalipas ang apat na taon, nakauwi na muli si Diana sa Pilipinas mula sa Australia kung saan sila naglalagi ng kanyang pamilya. Doon, kasama niya ang asawang si Andy Smith at kanilang tatlong anak.

Read also

Jelai Andres, ibinida ang love life nila ng mga kaibigang sina Zeinab at Donnalyn

Sa kanyang mga bagong vlog sa kanyang YouTube channel, naikwernto ni Diana ang ilang detalye tungkol sa pagbabalik nila sa Pilipinas. Ilan dito ay ang pagsurpresa nila sa kanilang pamilya at mga kaibigan na hindi talaga inaasahan ang kanilang pagbabalik. Matatandaang naging panauhin si Diana ng It's Showtime kung saan nakasama din niya ang orihinal na mga Sangre' na sina Karylle, Sunshine Dizon at Iza Calzado.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Tags: