Toni Fowler, naghayag ng saloobin sa mga taong nanghusga sa kanya

Toni Fowler, naghayag ng saloobin sa mga taong nanghusga sa kanya

- Naghayag ng pagkadismaya si Toni Fowler sa mga negatibong komento tungkol sa kanyang pagiging ina sa isang thread sa social media

- Binatikos niya ang mga nag-eedit ng kanyang larawan upang pintasan ang kanyang pagiging magulang

- Ipinahayag ni Toni ang pagkabahala sa mabilis na paghuhusga sa kanya ng ilang netizens base lamang sa isang episode.

- Mariing ipinunto niya na hindi makatarungan ang mga panghuhusga at kahit paano ay hindi niya matatanggap ang mga ito mula sa kanyang mga tagasubaybay

Naglabas ng saloobin si Toni Fowler sa isang thread kung saan kanyang ibinahagi ang kanyang pagkadismaya sa mga negatibong komento at panglalait na natatanggap mula sa ilang netizens.

Toni Fowler, naghayag ng saloobin sa mga taong nanghusga sa kanya
Toni Fowler, naghayag ng saloobin sa mga taong nanghusga sa kanya
Source: Instagram

Ayon kay Toni Fowler, hindi niya matanggap na mismong mga fans ang nag-eedit ng kanyang larawan upang pintasan siya bilang isang ina na walang oras sa kanyang anak.

Read also

Dominic Roque, sumagot sa komentong iniwan niya sa ere si Bea Alonzo

Ipinahayag niya ang pagkabahala sa paghusga na natamo niya sa isang episode lamang, at ang hindi makatarungang pagkumpara sa kanya ng kanyang ina na kakaabalik pa lang sa Pilipinas.

Sinabi rin niya na literal na follower ang mga ito, na tila nag-aabang lamang ng pagkakamali at pagbagsak niya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Toni Fowler, naghayag ng saloobin sa mga taong nanghusga sa kanya
Toni Fowler, naghayag ng saloobin sa mga taong nanghusga sa kanya
Source: Twitter

Mariing ipinunto ni Toni na dapat baguhin ang profile picture na ginagamit na kanyang larawan.

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya sa kanilang YouTube vlogs.

Matatandaang idinaan ni Toni Fowler sa isang TikTok video ang biro tungkol sa pakikipag-break niya kamakailan kay Vince Flores. Sa kanyang binahaging TikTok video makikita si Toni na sumasayaw na kinalaunan ay sinabayan ni Vince. Matatandaang matapos ihayag ni Toni kamakailan ang paghihiwalay nila, marami sa kanilang fans ang nalungkot. Gayunpaman, hindi nagtagal at sinabi ni Vince na nagkaayos lang sila at dala lang ng pagbubuntis ni Toni ang mataas na emosyon nito.

Read also

Kuya Kim, agad raw kinausap si Vice Ganda matapos ang kanyang post na na misinterpret ng mga tao

Binahagi din ni Toni ang throwback pictures niya kasama sina Nash Aguas at Mika Dela Cruz. Ito ay upang batiin sila sa kanilang pagpapakasal nito lamang nagdaang Saturday, 18 May sa Tagaytay. Ani Toni, ang pictures nilang iyon ay noong panahong tuwang-tuwa sila sa kanya dahil si Toni ang nagtuturo ng dance steps nila sa guesting nila sa It's Showtime. Aminado din si Toni na dahil dito ay pakiramdam niya ay ang tanda niya na.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel