Toni Fowler ibinida ang aniya'y talent niya: "Makipagbreak kahit nabuntis"

Toni Fowler ibinida ang aniya'y talent niya: "Makipagbreak kahit nabuntis"

- Idinaan ni Toni Fowler sa isang TikTok video ang biro tungkol sa pakikipag-break niya kamakailan kay Vince Flores

- Sa kanyang binahaging TikTok video makikita si Toni na sumasayaw na kinalaunan ay sinabayan ni Vince

- Matatandaang matapos ihayag ni Toni kamakailan ang paghihiwalay nila, marami sa kanilang fans ang nalungkot

- Gayunpaman, hindi nagtagal at sinabi ni Vince na nagkaayos lang sila at dala lang ng pagbubuntis ni Toni ang mataas na emosyon nito

Sa isang TikTok video, ibinahagi ni Toni Fowler ang aniya'y kanyang talent. Sa video, nagbiro siya tungkol sa kanyang kamakailang pakikipaghiwalay kay Vince Flores.

Toni Fowler ibinida ang aniya'y talent nya: "Makipagbreak kahit nabuntis"
Toni Fowler ibinida ang aniya'y talent nya: "Makipagbreak kahit nabuntis"
Source: TikTok

Sa naturang TikTok video, makikita si Toni na sumasayaw na kinalaunay sinamahan din Vince.

Kalakip sa video ang ang kanyang biro na talent daw niyang makipag-break kahit na nabuntis siya ng naturang karelasyon niya.

Matapos ang mga haka-haka at pag-aalala mula sa kanilang mga tagahanga, nilinaw ni Vince na nagkaayos na sila ni Toni. Ayon sa kanya, nagkaroon lang hindi pagkakaunawaan ang dalawa dahil sa emosyon na dala ng pagbubuntis ni Toni.

Read also

Rosmar Tan, inihatid ang mga gamit para sa bahay na binigay kay Diwata

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya sa kanilang YouTube vlogs.

Sa kanyang naunang video, pinasalamatan ni Toni ang kanyang boyfriend na si Vince Flores. Ito ay dahil nauunawaan umano nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang naging ex na si Rob. Siniguro niyang walang mangyayaring balikan sa kanila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend. Mananatili umano silang mag-bestfriend habang buhay at hiling niya rin na maging masaya na si Rob.

Matapos ilabas ni Rob ang kanyang video kung saan nagkausap sila ni Toni, binahagi ni Toni ang kanyang saloobin. Binalikan niya ang naging relasyon nila ni Rob na aniya ay hindi niya pinagsisihan dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi man nakatakda na makatuluyan niya ay naging bahagi ng kanyang nakaraan. Humingi rin siya ng sorry hindi lamang kay Rob kundi pati sa mga supporters nila at sa mga mahal sa buhay ni Rob dahil napahiya umano niya ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel