Pagpanaw ng reigning Miss Austria Lucia Sisic, ikinalungkot ng pageant community

Pagpanaw ng reigning Miss Austria Lucia Sisic, ikinalungkot ng pageant community

  • Pumanaw na sa edad na 22 ang reigning Miss Austria 2024 na si Lucia Sisic
  • Kinumpirma ng Mission Austria ang kaniyang pagpanaw sa isang pahayag na ibinahagi sa Instagram
  • Hindi pa inilalabas sa publiko ang sanhi ng pagkamatay ng beauty queen
  • Ayon sa Austrian newspaper, nagkaroon si Sisic ng lifelong heart condition at sumailalim sa pitong heart surgeries

Kinumpirma ng Mission Austria, ang organisasyong nasa likod ng national beauty pageant, ang malungkot na balita sa pamamagitan ng isang pahayag na inilabas sa kanilang official Instagram page noong Martes, Setyembre 8, Philippine time.

Pagpanaw ng reigning Miss Austria Lucia Sisic, ikinalungkot ng pageant community
Pagpanaw ng reigning Miss Austria Lucia Sisic, ikinalungkot ng pageant community (đź“·@luciasisic/IG)
Source: Instagram

Ibinahagi ng organisasyon ang kanilang pagkagulat at matinding kalungkutan sa pagpanaw ng batang beauty queen.

“It is with great shock and deep sadness that we learned of the passing of our Miss Austria 2024, Lucia Sisic,” saad ng Mission Austria sa kanilang pahayag na isinalin mula sa German.

Inalala rin ng organisasyon si Sisic bilang isang kahanga-hangang dalaga at nagpaabot ng pakikiramay sa kaniyang pamilya, mga kaibigan, at lahat ng naging malapit sa kaniya.

Read also

Katrina Halili, nanawagan na tigilan ang pambabash kay Mary Joyce

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

“Lucia will be remembered as a wonderful young woman. During this difficult time, our thoughts and deepest sympathies are with her family, friends, and everyone who was close to her,” bahagi ng mensahe.

Sa huli, tiniyak ng Mission Austria na mananatiling bahagi ng kanilang pageant family si Sisic.

“Dear Lucia, you will always remain a part of our Miss Austria family. Rest in peace.”

Hindi naman ibinahagi sa publiko ang sanhi ng kaniyang pagkamatay.

Ayon sa Austrian newspaper na Kronen Zeitung, mayroon umanong lifelong heart condition si Sisic at sumailalim siya sa pitong operasyon sa puso.

Gayunman, wala pang kumpirmasyon mula sa kaniyang pamilya o sa Mission Austria na may kaugnayan sa kaniyang kondisyon sa puso ang kaniyang pagpanaw.

Noong Agosto 2024, ilang buwan matapos niyang makuha ang Miss Austria title, nagbahagi si Sisic ng mensahe ng pasasalamat para sa Pediatric Cardiology Team na gumabay sa kaniyang medical journey.

Read also

Ina sa Samar, nasawi matapos ang insidente; anak na suspek, nahaharap sa kaso

Sa kaniyang Instagram post, inalala niya ang mga pagkakataong kinailangan niyang harapin ang mahihirap na health challenges at ang tulong na natanggap niya mula sa mga medical professional.

“Dear Pediatric Cardiology Team ❤️🩺, I would like to express my gratitude. Thanks to the medical professionals and dedicated doctors who, through their tremendous efforts, have repeatedly saved my life, I have been able to overcome many difficult moments and live a fulfilling life,” ani Sisic.

Ibinahagi rin niya na alam niyang marami pa siyang haharapin sa kaniyang buhay, ngunit ipinagmamalaki niyang hindi siya sumuko sa kabila ng mga pinagdaanan niya.

“I know that I have only overcome a fraction of what still lies ahead of me. Nevertheless, I am proud that I never gave up, even though there were many reasons why I could have,” saad niya.

Nagpasalamat din siya sa medical team bago siya tuluyang lumipat mula pediatric patungo sa adult cardiology.

“With my best wishes for your future, I now say goodbye as I begin a new chapter of my life in adult cardiology. Your work is invaluable, and I hope that you will continue to help many more people as effectively as you have helped me.”

Read also

Jamie Evangelista-Geisler, muling napansin sa isang cryptic na social media post

Nakamit ni Sisic ang Miss Austria crown noong 2024. Dahil walang sumunod na edition ng pageant matapos ang kaniyang pagkakakorona, nanatili siyang reigning Miss Austria hanggang sa kaniyang pagpanaw.

Sa ngayon, patuloy namang ipinapaabot ng Mission Austria ang kanilang pakikiramay sa mga naiwan ni Sisic habang hinihintay ang karagdagang impormasyon tungkol sa kaniyang pagpanaw.

Sa isang hiwalay na ulat, Bea Millan Windorski ay pinarangalan sa Universe Myanmar 2026, isang makasaysayang tagumpay para sa Pilipinas.

Matapos koronahan bilang Universe Philippines 2026, nagbahagi si Bea Millan Windorski ng taos-pusong post tungkol sa kanyang karanasan at pasasalamat sa mga sumuporta.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate