Michelle Madrigal, nagbahagi ng update: "Yes, I am marrying the man God sent me"

Michelle Madrigal, nagbahagi ng update: "Yes, I am marrying the man God sent me"

- Inanunsyo ni Michelle madrigal ang kanyang planong pagpapakasal sa pamamagitan ng Instagram story

- Sinabi niyang pinanatili niyang pribado ang kanyang buhay pag-ibig simula nang matapos ang kanyang huling relasyon

- Ayon kay Michelle, ang pagdesisyon na manatiling tahimik tungkol dito ang pinakamainam na nagawa niya

- Ipinahayag din niya ang kasiyahan sa pagkakatagpo ng lalaking itinadhana sa kanya ng Diyos

Sa kanyang Instagram story, nag-post si Michelle Madrigal ng isang makahulugang mensahe na naglalaman ng mahahalagang punto tungkol sa kanyang buhay pag-ibig at mga desisyon.

Michelle Madrigal, nagbahagi ng update: "Yes, I am marrying the man God sent me"
Michelle Madrigal, nagbahagi ng update: "Yes, I am marrying the man God sent me"
Source: Instagram

"D*mn if you do, d*mn if you don't. No matter what you do, people will always have something to say. So, live your life and follow the path that God has given you," simula ni Michelle sa kanyang post, na tila sumasalamin sa kanyang pananaw sa mga kritiko at sa kanyang determinasyon na mamuhay ayon sa kanyang sariling desisyon.

Read also

Nico Locco, nag-post tungkol sa taong aniya ay bully

Dagdag pa niya, "I've kept my dating life very private since my last relationship, and choosing to stay quiet this time has been the best decision." Malinaw na pinili ni Michelle na maging pribado ang kanyang buhay pag-ibig matapos ang kanyang huling relasyon, at itinuturing niyang ito ang tamang desisyon para sa kanya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Michelle Madrigal, nagbahagi ng update: "Yes, I am marrying the man God sent me"
Michelle Madrigal, nagbahagi ng update: "Yes, I am marrying the man God sent me"
Source: Instagram

Ang pinakamatinding bahagi ng kanyang mensahe ay ang pag-amin na siya ay ikakasal na: "But YES I am marrying the man God sent me during my waiting season."

Si Michelle Madrigal Gaspar o mas kilala sa kanyang screen name na Michelle Madrigal ay isang Pinay actress na nakilala sa mundo ng showbiz nang maging bahagi ng reality talent search na Star Circle Quest.

Biniyayaan si Michelle at kanyang asawang si Troy Woolfolk ng isang anak na babaeng pinangalanan nilang Anika Austin Woolfolk. Nauna nang naibahagi ng aktres na nagkakilala sila ng kanyang mister sa isang dating app. Matatandaang naibahagi ng mag-asawa sa isa sa kanilang vlog na sumasailalim sila sa marriage counseling.

Read also

Angelie Reposposa, binahagi ang larawan na ini-upload umano ng isang basher niya sa ibang bansa

Kamakailan ay binahagi ni Michelle na nakapag-move on na siya at mayroon na rin siyang nakaka-date. Aniya, kagaya niya ay divorced din ang lalaking kanyang nakakasama kaya parang mas nagkakaintindihan umano sila. Inamin niya din na wala namang label ang kanilang relasyon ngunit aniya ay hindi naman mahalaga iyon sa kanya. Matatandaang nauna nang naibahagi ni Michelle ang tungkol sa paghihiwalay nila ng dating asawa at paglipat niya ng tirahan kasama ang kanilang anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel