Kyline Alcantara at Darren Espanto, trending matapos ang tuksuhan nila sa 'Showtime'

Kyline Alcantara at Darren Espanto, trending matapos ang tuksuhan nila sa 'Showtime'

- Sa pag-guest ni Kyline Alcantara sa It's Showtime ngayong araw, natukso si Darren Espanto ng kanyang co-hosts

- Matapos ang pagtatanghal ng Kapuso actress na si Kyline Alcantara kasama ang singer na si Jeremy G sa kantang "Save Your Tears" ng The Weeknd at Ariana Grande, nagkaroon ng palitan ng biro sa pagitan ng mga host ng noontime show

- Binanggit ni Kim Chiu kay Kyline na habang kumakanta siya ay nakatingin daw si Darren sa kanya at di daw kumukurap

- Hirit naman ni Vice Ganda, sa susunod ay silang dalawa ni Darren ang kakanta ng 'We Are Family'

Usap-usapan ang biruan nina Kyline Alcantara at Darren Espanto nang mag-guest ang Kapuso star sa It's Showtime ngayong araw. Maging sa X ay marami ang naintriga sa kanilang biruan.

Kyline Alcantara at Darren Espanto, trending matapos ang tuksuhan nila sa 'Showtime'
Kyline Alcantara at Darren Espanto, trending matapos ang tuksuhan nila sa 'Showtime'
Source: Youtube

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Read also

Melai, hinangaan sa pagrespeto sa anak na ayaw pang magka-baby number 3

Binanggit ni Kim Chiu kay Kyline, "Habang kumakanta ka, mayroong nakatingin sa 'yo, di siya kumukurap—si Darren. Sabi niya, 'Ang galing pala ni Kyline talaga.'"

Sumagot si Kyline, "Alam niyo po kung bakit? Kasi nga..." sabay talikod patungo kay Darren.

"Ano?" sabay tawa ni Darren.

"Sabihin mo," natatawang sabi ni Kyline.

Hirit naman ni Vice Ganda, sa susunod ay silang dalawa ni Darren ang kakanta ng 'We Are Family'.

Si Kyline Alcantara ay isang actress, singer, dancer, television host, advocate at endorser. Ilan sa mga seryeng kinabilangan niya ay Annaliza (2013) at Kambal, Karibal (2017). Una siyang nakilala nang sumali siya sa Star Circle Quest: Search for the Next Kiddie Superstars noong 2010.

Matatandaang naging guest sa It's Showtime kamakailan si Kyline. Ipinamalas ni Kyline ang husay niya sa pagsasayaw sa pamamagitan ng isang opening number kasama ang Baby Dolls. Naging bahagi din siya ng segment ng "Rampanalo." Ani Kyline, ikalawang guesting niya na iyon sa naturang noontime show.

Read also

Kylie Verzosa, 'di naniniwalang pwedeng maging kaibigan ang ex: "Respeto sa bagong partner"

Kamakailan nga ay naging kontrobersiyal si Kyline matapos ang kanyang naging komento sa TikTok video ng Kapuso actress na si Mariel Pamintuan. Matatandaang ang video na ito ay tungkol sa mga naranasan ni Mariel bilang isang artista na hindi gaanong sikat. Kabilang sa nakwento niya ay ang pagsampal daw sa kanya nang malakas ng kanyang co-star. Dito nagkomento si Kyline ngunit kinalaunan ay binura din ang kanyang komento.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel