Melai, hinangaan sa pagrespeto sa anak na ayaw pang magka-baby number 3

Melai, hinangaan sa pagrespeto sa anak na ayaw pang magka-baby number 3

- Marami ang bumilib kay Melai sa kung paano sila nagdedesisyon sa pamilya

- Nabanggit niyang maging ang mga anak ay kasama sa pagdedesisyon sa pagkakaroon muli ng baby sa pamilya

- Lalo na ang bunso nitong si Stela na kanyang natanong kung nais na nitong magkaroon muli ng kapatid

- Gayunpaman, nais raw talagang magkaroon pa nina Melai ng isa pang supling at sana'y lalake na raw ito

Muling hinangaan ng marami ang parenting style ni Melai Cantiveros-Francisco.

Melai, hinangaan sa pagrespeto sa mga anak na ayaw pang magka-baby number 3
Melai, hinangaan sa pagrespeto sa mga anak na ayaw pang magka-baby number 3 (@mrandmrsfrancisco)
Source: Instagram

Ito ay matapos masabi niya sa isang interview ang tungkol sa pagkakaroon ng baby number 3.

"Sana magka-baby para may boy kami. Tapos sana April din para April boy," ani Melai sa panayam sa kanya ni MJ Felipe ng ABS-CBN News.

Subalit, sinabi niyang hindi lamang sila ng mister niyang si Jason ang nagdedesisyon sa bagay na ito kundi maging ang mga anak na sina Mela at Stela na bahagi rin ng kanilang pamilya.

Read also

Cristy, napuri si Regine: "Merong magagaling pero ikaw pa rin ang nasa trono talaga"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Hindi lang kami ang magdedesisyon. Magdedesisyon din ang magkapatid. Kung gusto na, gagawin na namin ni Papa mo. Pero kung di mo pa gusto, part ka rin ng family dapat isa ka rin sa magde-decide, ayaw pa ni Stela," paliwanag ni Melai.

Dahil dito, labis na bumilib sa kanya ang mga netizens. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Galing! So far, si Melai pa lang ang nabalitaan kong ganito kahusay mag-isip pagdating sa pamilya"
"Tama yan. Involved and kids sa decision making, I-consider ang feelings nila. Very Good Mamshie Melai"
"Respect ang nakikita ko rito. Respeto ni Melai sa mga anak niya lalo na kay Stela na ayaw pang magka-baby ulet sa family"
"Tama yan momshie mels. Hoping na baby boy na ang 3rd baby mo pag okay na kay Stela."

Read also

Kylie Verzosa, 'di naniniwalang pwedeng maging kaibigan ang ex: "Respeto sa bagong partner"

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Melai mula sa panayam sa kanya ng TV Patrol/ ABS-CBN:

Si Melai Cantiveros ang naging big winner sa Pinoy Big Brother: Double Up noong 2009. Sa naturang reality show din nagmula ang kanya na ngayong mister na si Jason Francisco. Nag-umpisa ang lahat sa kulitan sa loob ng bahay ni Kuya hanggang sa sila na nga ang nagkatuluyan at nabiyayaan ng dalawang anak.

Noong nakaraang taong 2023, nagtungo sa Korea ang buong pamilya nina Melai at Jason. Madalas ang update ni Melai sa kanyang IG stories at mabilis itong nag-viral at nag-trending dahil sa mga kulitan ng kanilang pamilya labis na nakapagpapasaya sa mga manonood. Sinasabing ito na rin ang pagkakataong nag-shoot si Melai ng kanyang pelikulang Ma'am Chief.

Nito lamang mahal na araw, gumulantang sa publiko ang naging rebelasyon ni Melai patungkol sa tumubong bukol sa kanyang dibdib. Milagrong maituturing ito ni Melai gayung tanging Diyos lang ang naging kasangga niya sa panahong iyon. Naniniwala siyang dala ng dasal at tiwala sa Panginoon, tuluyan nang nawala ang bukol.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel