Cristy, napuri si Regine: "Merong magagaling pero ikaw pa rin ang nasa trono talaga"

Cristy, napuri si Regine: "Merong magagaling pero ikaw pa rin ang nasa trono talaga"

- Napuri ni Cristy Fermin ang nag-iisang Asia's Songbird na si Regine Velasquez

- Naalala kasi ni Cristy ang minsang nabanggit ni Regine na tila hindi na niya panahon ngayon

- Ito ay dahil sa marami na rin umanong naglalabasang magagaling na singers ngayon

- Ani Cristy, hanggang ngayo'y panahon pa rin ni Regine at nangunguna pa rin sa listahan ng mga mahuhusay na singers sa bansa

Nagpahayag ng kanyang papuri si Cristy Fermin kay Asia's Songbird, Regine Velasquez.

Cristy, napuri si Regine: "Merong magagaling pero ikaw pa rin ang nasa trono talaga"
Cristy, napuri si Regine: "Merong magagaling pero ikaw pa rin ang nasa trono talaga" (Regine Velasquez Facebook)
Source: Facebook

Ito ay matapos na bigla niyang maalala ang minsang nabanggit ni Regine na tila hindi na raw niya panahon ngayon.

"Regine, panahon mo pa rin. Hinding-hindi ka mawawala agad sa listahan ng mga pinakamagagaling na singers ng ating bayan. May pinatunayan ka na, pinatutunayan mo pa rin at kaya mo pa ulit patunayan," saad ni Cristy.

"Sabi niya kasi tanggap na raw niya na merong mas magagaling, hindi. Merong magagaling pero ikaw pa rin ang nasa trono talaga," dagdag pa nito.

Read also

Melai, hinangaan sa pagrespeto sa anak na ayaw pang magka-baby number 3

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matatandaang kamakailan lamang ay naging maugong ang online petition na gawing national artist si Regine sa larangan ng musika.

Subalit ayon mismo kay Regine, may iba pang mga dapat bigyang karangalan sa musika tulad nina Pilita Corales at Jose Mari Chan.

Samantala, narito ang kabuuan ng naging talakayan nina Cristy, Romel Chika at Wendell Alvarez mula sa Showbiz Now Na! YouTube:

Si Regine Velasquez o Regina Encarnacion Ansong Velasquez-Alcasid sa totoong buhay ay kilalang mang-aawit at binansagang "Asia's Songbird." Ang kanyang kahanga-hangang husay sa pagbirit ang isa sa pinakahinahangaan sa kanya. Bukod sa pagkanta, umarte na rin siya sa ilang pelikula at isa din siyang producer.

Masaya ang mga fans ni Regine gayung araw-araw nila itong napapanood sa Magandang Buhay kasama nina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros-Francisco. Matatandaang sa programa nilang ito unang natawag ni Regine si Melai bilang 'Asia's comedy queen'.

Read also

Regine, sa naglabasang online petition na gawin siyang national artist: "Parang nahihiya ako"

Bukod sa morning talk show na ito at ASAP tuwing Linggo, abala pa rin sa si Regine sa kanyang mga concerts at shows. Tulad na lamang ng nalalapit niyang Regine Rocks The Repeat na gaganapin sa April 19 sa MOA Arena na susundan naman ng Meet and Greet sa kanyang mga fans sa April 21. Matatandaang naging matagumpay ang una niyang naging Regine Rocks concert noong Nobyembre ng nakaraang taon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel