Kylie Verzosa, 'di naniniwalang pwedeng maging kaibigan ang ex: "Respeto sa bagong partner"

Kylie Verzosa, 'di naniniwalang pwedeng maging kaibigan ang ex: "Respeto sa bagong partner"

- Hindi raw naniniwala si Kylie Verzosa na maaring maging kaibigan ang ex

- Aniya, maaring maging civil lamang ngunit hindi para maging magkaibigan

- Matatandaang taong 2022 nang matapos umano ang relasyon nina Kylie Verzosa at Jake Cuenca

- Sa ngayon, abala si Kylie sa pag-promote ng pelikula nila ni Paulo Avelino, ang 'Elevator'

Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, naibahagi ni Kylie Verzosa ang pananaw niya tungkol sa mga 'ex'.

Kylie Verzosa, 'di naniniwalang pwedeng maging kaibigan ang ex: "Respeto sa bagong partner"
Kylie Verzosa (Ogie Diaz YouTube)
Source: Youtube

Aniya, hindi siya naniniwalang maari po pang maging kaibigan ang dating nakarelasyon.

"I don't believe exes should be friends," hayagang nasabi ni Kylie.

"Respeto rin sa bago mong partner... At sa bago niyang partner. You can be civil, pero 'yung nakikipag-usap na 'hi, how are you...' kumusta ka na? To me, medyo weird 'yun," paliwanag pa niya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Read also

Paulo, nais na makatrabaho si Kathryn: "Baka maging bagay ako sa mga proyektong gagawin niya"

"But I don't think there should still be a friendship, kasi bakit pa?

Matatandaang taong 2022 nang matapos ang relasyon nila ng aktor na si Jake Cuenca. Tumagal din ng tatlong taon ang kanilang pagsasama.

Gayunpaman, sa naturang interview nabanggit din ni Kylie na labis niyang na-appreciate ang naging relasyon nila ni Jake at masaya na siya para sa aktor ngayon.

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Ogie Diaz YouTube channel:

Si Kylie Verzosa ay isang actress model at beauty queen. Taong 2016 nang hirangin siya bilang Miss International at siya ay ang ikalabing-isang Pinay na nakakuha ng koronang ito. Mula sa pagiging beauty queen, isa na rin siyang ganap na aktres sa telebisyon at pelikula at kasalukuyang bahagi ng It's Showtime.

Matatandaang sa panayam sa kanya ni Vice Ganda halos dalawang taon na ang nakalilipas sa YouTube channel nito, naiyak si Kylie nang amining nami-miss pa niya umano si Jake. Subalit nito lamang nakaraang taon, napabalitang mayroon nang non-showbiz boyfriend si Kylie.

Read also

Melai, 15 taon na sa showbiz; tinaguriang "Asia's comedy queen"

Sa ngayon, abala si Kylie sa kanyang bagong pelikula na ipalalabas sa darating na April 26 kung saan kapareha niya si Paulo Avelino. Sa kanilang media conference na ginanap kamakailan, inamin ni Kylie na maging siya ay fan na rin ng KimPau, ang tambalan nina Paulo Avelino at Kim Chiu. Maging siya ay kinikilig umano sa mga eksena ng dalawa sa bago nilang teleserye, ang Pinoy adaptation ng Korean series na 'What's Wrong With Secretary Kim.'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Hot:
Online view pixel