Melai, 15 taon na sa showbiz; tinaguriang "Asia's comedy queen"

Melai, 15 taon na sa showbiz; tinaguriang "Asia's comedy queen"

- Kamakailan ay nagdiwang ng kanyang ika-15 taon sa showbiz si Melai Cantiveros-Francisco

- Sa "ASAP" ngayon Abril 7, kasama niya ang kanyang mga anak na sina Mela at Stela na nagdiwang naman ng kanilang kaarawan

- Doon, nabanggit ni Robi Domingo na tinaguriang 'Asia's Comedy Queen' na si Melai

- Matatandaang minsan na siyang bumida sa pelikulang "Ma'am Chief" kung saan kinunan pa ito sa South Korea

15 taon na sa showbiz si Melai Cantiveros Francisco na nagdiwang sa ASAP ngayong Abril 7.

Melai, 15 taon na sa showbiz; tinaguriang "Asia's comedy queen"
Melai, 15 taon na sa showbiz; tinaguriang "Asia's comedy queen" (MELASON Facebook)
Source: Facebook

Kasama niya ang kanyang mga anak na sina Mela at Stela dahil birthday celebration din sa ASAP ng mga ito.

Marami ang naaliw sa birthday message ni Stela sa kanyang mama na patungkol sa mga ipin nito.

Subalit marami ang natuwa nang sabihin ni Robi Domingo na tinaguriang 'Asia's Comedy Queen' na ngayon si Melai.

Read also

Stela Francisco, may birthday wish sa ina: "Sana ‘yung butas ng ngipin mo mag-close na"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"May title pa na Asia's comedy queen. Iba ka Melai!" ani Robi.

"Sobrang nakakahiya pero salamat, salamat sa inyo... I love you!" ang naging reaksyon naman ni Melai.

Matatandaang noong nakaraang taon, bumida si Melai sa pelikulang Ma'am Chief kung saan kinunan pa umano ito sa South Korea. Maging ang mga nakatrabaho roon ay aliw na aliw sa kanyang pagiging natural na komedyante kaya naman hindi kataka-takang tawagin siya na Asia's comedy queen.

Si Melai Cantiveros ang naging big winner sa Pinoy Big Brother: Double Up noong 2009. Sa naturang reality show din nagmula ang kanya na ngayong mister na si Jason Francisco. Nag-umpisa ang lahat sa kulitan sa loob ng bahay ni Kuya hanggang sa sila na nga ang nagkatuluyan at nabiyayaan ng dalawang anak.

Read also

Rochelle sa pagkawala ng Sexbomb noon: "Wala kaming closure hanggang ngayon"

Noong nakaraang taong 2023, nagtungo sa Korea ang buong pamilya nina Melai at Jason. Madalas ang update ni Melai sa kanyang IG stories at mabilis itong nag-viral at nag-trending dahil sa mga kulitan ng kanilang pamilya labis na nakapagpapasaya sa mga manonood. Sinasabing ito na rin ang pagkakataong nag-shoot si Melai ng kanyang pelikulang Ma'am Chief.

Nito lamang mahal na araw, gumulantang sa publiko ang naging rebelasyon ni Melai patungkol sa tumubong bukol sa kanyang dibdib. Milagrong maituturing ito ni Melai gayung tanging Diyos lang ang naging kasangga niya sa panahong iyon. Naniniwala siyang dala ng dasal at tiwala sa Panginoon, tuluyan nang nawala ang bukol.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel