Stela Francisco, may birthday wish sa ina: "Sana ‘yung butas ng ngipin mo mag-close na"

Stela Francisco, may birthday wish sa ina: "Sana ‘yung butas ng ngipin mo mag-close na"

- Kinaaliwan ang mensahe ni Stela Francisco sa kanyang inang si Melai Francisco na nagkaroon ng birthday tribute sa "ASAP"

- Kalakip sa mensahe ni Stela sa kanya ay "Sana ‘yung butas ng ngipin mo mag-close na"

- Natawa naman sila maging ang kasamahan nilang hosts at napatanong si Melai kung sino nagturo sa kanya

- Binuking naman ni Mela na ang kanyang Kuya Robi ang nagturo kay Stela na pinigilan nila sa kanyang iba pang sasabihin

Marami ang natawa sa hirit ni Stela Francisco sa kanyang birthday message para sa kanyang inang si Melai Francisco. Agad namang binuking ni Mela na si Kuya Robi niya ang nagturo kay Stela.

Stela Francisco, may birthday wish sa ina: "Sana ‘yung butas ng ngipin mo mag-close na.”
Stela Francisco, may birthday wish sa ina: "Sana ‘yung butas ng ngipin mo mag-close na.”
Source: Youtube
Happy Birthday Mama. More birthdays to come. Sana safe ka always kung san ka punta. Tapos sana ‘yung butas ng ngipin mo mag-close na.

Nawindang si Melai at napatanong kung sino nagturo sa anak niya. May sasabihin pa dapat ito pero pinigilan na nila sa sasabihin niya sa naturang live airing ng variety show.

Read also

Melai, 15 taon na sa showbiz; tinaguriang "Asia's comedy queen"

Binahagi naman ni Robi ang video clip ng pagbabahagi ni Stela ng kanyang mensahe sa ina.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Unang nakilala sa mundo ng showbiz si Melai Cantiveros nang hirangin siyang big winner ng Pinoy Big Brother: Double Up noong 2009. Dito niya rin nakilala ang kanyang mister sa tunay na buhay na si Jayson Francisco. Sila ay nabiyayaan ng dalawang anak.

Isang mensahe ang binahagi kamakailan ni Melai kaugnay sa pagpanaw ng kanyang tiyuhin. Ang kanyang Uncle Joy umano ang pinakapaborito niyang uncle at habambuhay niyang alalahanin ang kabutihan ng kanyang tiyuhin sa kanya. Aniya, masakit para sa kanya ang pagpanaw ng tiyuhin. Alam niyang hindi magiging madali sa kanya lalo at lagi umano siyang pumupunta sa bahay ng tiyuhin niya tuwing uuwi siya sa kanilang probinsiya.

Read also

Miss Grace, nagbahagi ng bagong video: "The truth behind the lies"

Samantala, ang mensahe ni Melai para sa kaarawan ng mister na si Jason Francisco ay kanyang binahagi sa kanyang social media account. Marami sa mga followers ng mag-asawa ang natuwa sa mensahe niya kung saan pabiro niyang inilarawan ang mister bilang kanyang "Best Enemy." Agad naman niya itong binawi at sinabing isang mabuting ama si Jason sa kanilang mga anak. Aniya, palagi lang silang mag-iinang nasa tabi ni Jason anuman ang mangyari.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel