Rochelle sa pagkawala ng Sexbomb noon: "Wala kaming closure hanggang ngayon"

Rochelle sa pagkawala ng Sexbomb noon: "Wala kaming closure hanggang ngayon"

- Sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga, naidetalye ni Rochelle Pangilinan Solinap ang tungkol sa pagkawala noon ng Sexbomb dancers

- Matatandaang isa si Rochelle sa mga orihinal na miyembro ng nasabing grupo

- Aminado siyang hanggang ngayon, wala pa rin umanong closure ang nangyaring pagkakawatak-watak ng grupo

- Ngayon, bukod sa pagsasayaw aktibo pa rin si Rochelle sa showbiz partikular na sa GMA

Naibahagi ni Rochelle Pangilinan ang umano'y kinahinatnan ng Sexbomb dancers na popular noon sa programang Eat Bulaga.

Rochelle sa pagkawala ng Sexbomb noon: "Wala kaming closure hanggang ngayon"
Rochelle sa pagkawala ng Sexbomb noon: "Wala kaming closure hanggang ngayon" (Toni Gonzaga Studio YouTube)
Source: Youtube

Sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga, nausisa nito kung bakit nga ba tila bigla na lamang noong nawala ang Sexbomb dancers.

"Wala kaming closure hanggang ngayon... Bigla na lang kaming parang, wala!" pag-amin ni Rochelle.

"Parang nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan ang mga boss natin sa Eat Bulaga saka si Ate Joy. Nagti-taping kami ng Daisy Siyete tapos may nabalitaan ako kung ano nang nangyayari sa usapan. Tapos parang nagkababaan daw ng telepono. Sabi ko, hala umabot na sila sa ganyan, ano nang gagawin namin bukas," pagdedetalye pa niya.

Read also

Pambansang Kolokoy: "Ganito pala may Andropause may kasunod na naman si Gigi!"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nagkasundo-sundo pa umano sila na pumunta pa rin sa Eat Bulaga kinabukasan, subalit nakatanggap sila ng tawag mula sa kanilang Ate Joy na tumatayong manager na noon at ito ay umiiyak. Doon sila nagdesisyon na hindi na tumuloy sa Eat Bulaga upang puntahan si Joy.

"'Nung hindi na kami pumasok sa Eat Bulaga, nagpa-audition na sila ng dancers. Nagpa-contest. Tapos this time, magaganda, bata... siyempre ang sakit-sakit 'nun sa 'min. Ahh, magaganda. 'Di naman namin kasalanan 'yun kayo-kayo ang nag-away e. Parang pinalitan niyo nalang kami. Ganu'n yung feeling namin kasi bata e. Saka lahat ng sexbomb competitive"

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Toni Gonzaga Studio YouTube:

Si Rochelle Pangilinan ay isang dancer, actress at recording artist sa bansa. Isa siya sa founding members ng sikat na dance group na SexBomb Girls. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagsayaw at maging sa pag-rap. Ikinasal siya sa dating dancer din na si Arthur Solinap at nabiyayaan sila ng isang anak na babae.

Read also

Janella Salvador, pinagtanggol ng mga fans matapos ang guesting sa It's Showtime

Kamakailan, nag-viral ang video ni Sarah Geronimo kasama si Rochelle at anak nitong si Shiloh na nagsasayaw sa saliw ng 'Spaghetti song' na pinasikat na dance craze ng Sexbomb dancers.

Bukod sa pagiging mahusay na performer, hindi rin matatawaran ang pagiging isang mabuting ina ni Rochelle sa kanyang unica hija. Katunayan, ibinabahagi rin niya kung paanong tila namana ng kanyang anak ang kanilang talento sa pag-awit at pagsayaw.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel