Janella Salvador, pinagtanggol ng mga fans matapos ang guesting sa It's Showtime

Janella Salvador, pinagtanggol ng mga fans matapos ang guesting sa It's Showtime

- Nag-trending si Janella Salvador sa X kasunod ng naging isyu kaugnay sa pagtanggi niyang mag-sample nang mag-guest siya sa It's Showtime

- Matatandaang naging usap-usapan ang sagot ni Janella nang hingan siya ng sample ni Kim kasunod ng pag-promote niya ng kanyang kanta

- Ani Janella, medyo paos siya ngunit ang karugtong nito ang hindi nagustuhan ng ilang tagapanuod

- Sinabi kasi nito na 'kayo na lang' ngunit aniya ay pangako niya sa susunod ay kakanta siya

Bumuhos ang suporta kay Janella Salvador mula sa kanyang mga fans. Kasunod ito ng isyu na kinasangkutan niya nang mag-guest sa It's Showtime.

Janella Salvador, pinagtanggol ng mga fans matapos ang guesting sa It's Showtime
Janella Salvador, pinagtanggol ng mga fans matapos ang guesting sa It's Showtime
Source: Instagram

Ang pagtanggol ng mga tagahanga ay kasunod ng mga negatibong komento at pambabatikos na tinanggap ni Janella matapos ang kanyang pagtatanggi na kumanta sa programa habang siya ay nagpo-promote ng kanyang paparating na kanta.

Janella Salvador, pinagtanggol ng mga fans matapos ang guesting sa It's Showtime
Janella Salvador, pinagtanggol ng mga fans matapos ang guesting sa It's Showtime
Source: Twitter

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Read also

Anne Curtis, muling kinaaliwan sa kanyang bulol moment

Matatandaang si Kim Chiu ang nagsabi kung pwede siyang mag-sample ngunit tumanggi ito.

"Medyo paos ako today, KAYO NALANG"

Si Janella Salvador ay nakilala sa kanyang husay sa pag-awit at sa pag-arte. Naipareha siya kay Elmo Magalona sa teleseryeng "Born For You". Gayunpaman, hindi naging maganda ang kinalabasan ng kanilang relasyon matapos sabihin ni Janella na sinaktan umano siya ni Elmo. Kinalaaunan ay isinapubliko nila ni Markus Paterson ang tungkol sa kanilang relasyon. Sila ay nabiyayaan ng isang anak.

Matapos maibalita ang tungkol sa pagkakakilanlan ng artistang gaganap bilang Valentina sa telseryeng Darna, marami ang bumati kay Janella. Sa kanyang post sa social media ay pinasalamatan ni Janella ang lahat ng bumati sa kanya. Ito ang kanyang magiging unang serye simula nang bumalik siya matapos niyang manganak. Gaganap siya bilang si Valentina, ang magiging kaaway ng bidang si Darna na gagampanan naman ni Jane de Leon.

Read also

Dominic Roque, pinusuan ang Instagram post ni Bea Alonzo

Samantala, sa kanyang Instagram post ay pinakilala ni Janella ang kanyang bagong alagang ahas na pinangalanan niyang si Versace. Makikitang hinahawakan niya ang kanyang five-month-old na alaga na aniya ay kanyang baby girl. Tugmang-tugma ito sa kanyang bagong gagampanang karakter sa teleseryeng Darna na nakatakdang ilabas. Siya ang gaganap bilang si Valentina, ang kontrabida ng sikat na serye na nauna na ring naipalabas rin at nagawan ng maraming version.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel