Anne Curtis, muling kinaaliwan sa kanyang bulol moment

Anne Curtis, muling kinaaliwan sa kanyang bulol moment

- Kinaaliwan si Anne Curtis sa kanyang bulol moment sa episode ngayong araw ng It's Showtime

- Bilang pagpapakilala sa kalahok sa Expecially for You, sinubukang basahin ni Anne ang kanyang linya ngunit nagkamali siya

- Kinaaliwan ang reaksiyon ng kanyang co-hosts sa kanyang panibagong bulol moment

- Sa kabila nito ay tinuloy ni Anne ang pagbanggit ng kanyang linya at napagtagumpayan naman niya ito

Marami ang naaliw sa bulol moment ni Anne Curtis sa It's Showtime ngayong araw. Kinaaliwan din ang reaksiyon ng kanyang co-hosts.

Anne Curtis, muling kinaaliwan sa kanyang bulol moment
Anne Curtis, muling kinaaliwan sa kanyang bulol moment
Source: Youtube

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Habang pinapakilala ang kanilang kalahok sa Expecially For You, nagkamali ng basa si Anne. Imbes na sabihing "Ang Nang-iwan at iniwanan ay muling maghaharap upang magtulungan kumawala sa nakaraan," nasabi ni Anne ang "Ang Nang-iwan ay iniwanan.."

Read also

Dominic Roque, pinusuan ang Instagram post ni Bea Alonzo

Pabiro namang sinabi ni Jhong na iwanan na nila si Anne. Hirit naman ni Vice, ang laki laki ng bibig pero mali-mali ang lumalabas sa bibig ni Anne.

Sa kabila nito ay tinuloy ni Anne ang pagbanggit ng kanyang linya at napagtagumpayan naman niya ito.

Sa kabuuan, ang mga ganitong mga pangyayari ay nagpapakita ng naturalidad at spontaneity ng mga hosts at talento sa It's Showtime. Ang mga "bulol moments" na tulad nito ay nagbibigay ng kulay at saya sa programa, na patuloy na nagpapamalas ng kasiyahan at saya sa mga manonood araw-araw.

Si Anne Curtis Smith- Heussaff ay isang aktres, TV host, recording artist, commercial model at product endorser. Kabilang sa mga sumikat niyang mga teleserye ay Kampanerang Kuba, Dyosa at Mars Ravelo's Dyesebel.

Matapos ang pamamalagi sa Australia dahil sa kanyang panganganak at dahil na rin sa pandemya, Pebrero lamang ng kasalukuyang taon umuwi ang mag-anak. Kamakailan lang ay nagbakasyon sa Boracay sina Anne kasama ang anak na si Dahlia at si Solenn Heussaff kasama naman si Thylane. Naging usap-usapan ang mga litrato ni Anne na kuha sa tabing dagat.

Read also

KC Concepcion, naumpisahan na ang pagpapatayo ng building sa Palawan

Matatandaang marami ang naaliw sa binahaging video ni Erwan sa kanyang Instagram post. Ito umano ang inihanda sana nilang sorpresa ng anak niyang si Dahlia Amelie Heussaff para sa Mother's Day video nila para kay Anne. Ani Erwan, kakanta sana silang mag-ama ngunit hindi nila iyon natapos dahil sa pangungulit ng anak. Hindi naman napigilan ni Erwan na matawa sa anak at maging ang mga netizens ay aliw na aliw sa cute at bibong anak nila Anne at Erwan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel